Chapter 1

1350 Words
Maaga akong nagising dahil lunes ngayon, papasok na ako sa aking trabaho halos isang linggo na rin akong absent. Nagpaalam ako sa aking boss na aasikasuhin ko muna ang clearance para sa graduation ko. Malapit na pala ang graduation ko pero bakit ang lungkot lungkot ko? Nakuha ko na toga ko pero nang nahawakan ko ito imbis na sumaya ako ay bigla akong nalungkot, naalala ko ang mga kaganapan mula noong nag umpisa akong pumasok dito sa kolehiyo. Pinag-aral ko pala ang sarili ko. Marami kaming magkakapatid kaya hindi kami kaya papag-aralin ng magulang namin ng sabay sabay. Sa dami naming magkakapatid ako pa talaga kinuha ng panganay naming na mag-aral daw dito sa Maynila. Sabi niya pag-aaralin daw niya ako katumbas sa pag-aalaga ng mga anak niya. Kaso ang nangyari ay pinapag-alaga lang niya ako at di niya pala ako kayang pag-aralin. Kaya nagsumikap ako gumawa ng paraan para makaalis sa puder ng Kuya ko. Kasi gusto ko talaga makapagtapos ng kolehiyo. Sa totoo lang maraming gustong magpaaral sa akin pagkagraduate ko ng highschool. Mga kamag-anak at mga kaibigan ng magulang ko. Kahit noon sanggol pa lamang ako ay gusto na akong ampunin ng isang kamag-anak naming na nakapag-asawa ng Swiss at dadalhin nila ako sa Switzerland agad-agad kapag maayos na ang adoption papers ko. Halos dalawang linggo na ako sa bahay ng mag-aampon sa akin mula nang pumayag ang Nanay at Tatay nang bigla nila akong bawiin. Hindi daw kaya ng konsensiya ng Nanay ko na may anak siyang mahihiwalay. Di bale na daw na mahirap kami basta sama-sama. Kahirapan! Yan nga! Ito ang naging inspirasyon ko kaya ako nakapagtapos ako ng kolehiyo. Pagod, puyat, luha, dugo’t pawis ang naging puhunan ko. Sobrang proud ako sa sarili ko sa narating ko. Hindi ako nagpadala sa mga kung anong tukso na mayroon dito sa Maynila. Kahit piso never ako nanghingi sa mga magulang ko. Nagtrabaho ako sa fastfood chain noon, nagbenta ng mga damit, panty at bra at ngayon ay isang personal secretary. Sa boarding house may maliit ako na tindahan na pwede bumili ang mga kasama ko sa bahay na kahit wala ako iniiwan lang nila ang bayad. Ang tawag ko doon ay Honesty Store by Ollivia na MATAPANG NA AT WAIS PA! “Ollivia! Bilisan mo na magkape jan para ikaw na susunod kay Hazel maligo!” Sabi ni Tita Lyn na siyang may-ari ng boarding house na aking tinutuluyan. Matanda na si Tita Lyn, lahat kami ay 'Tita Lyn' ang tawag namin sa kanya, kahit hindi namin siya kamag-anak. Hiwalay siya sa asawa niya sumama daw sa kabit, apat anak nila at may kanya kanya nang pamilya. Dalawa ang kwarto ng bahay niya ang isang kwarto ay pina-bedspace para dagdag panggastos kasi ayaw niya umasa sa mga anak niya. “Patapos na po ako Tita Lyn!” Sagot ko. Sa Office “Good Morning Ollivia! Long time no see..” Bati ng guard sa baba ng building. "Good Morning Kuya Guard!” bati ko pabalik sa kanya. Masaya dito sa trabaho ko. Nagtatrabaho ako dito bilang isang personal secretary ng Boss ko na maraming alagad. Yes alagad! Alagad ang tawag ko sa mga tauhan niya na panay utos sa akin. Pero carry lang basta may bayad. Ako pa! Sa hirap ng buhay wala nang libre ngayon no! CPA Lawyer pala ang Boss ko mataas ang ranggo niya sa isang ahensiya ng gobyerno medyo may katandaan na kaya kumuha siya ng personal secretary na magaling sa computer at gumawa ng mga reports. Hi-tech na kasi ang gobyerno natin ngayon dito sa Pinas lahat ay computerized na. Kaya kawawa yun mga matatanda na hanggang typewriter lang ang alam. “Good Morning Ma’am Cora!” bati ko sa Boss ko. “Ollive mabuti at dumating kana. Ang dami na natin di napapasa na reports kailangan na ‘to matapos ngayon araw..” sabi niya na may halong pag-aalala. “Talaga Ma’am? Sorry po.. napatagal ang absent ko ang dami ko pa kasi inasikaso sa school sinigurado ko talaga na masasama ang pangalan ko sa gagraduate kaya tinapos ko muna ang clearance ko..” sagot ko habang kinukuha ko sa table niya ang mga files na gagawin ko. Halos di na makita ang Boss ko sa table niya sa dami ng tambak na mga folders na nakalagay doon. Inisa isa ko yun kunin at nilapag sa table ko. Kahit di niya sa akin ipaliwanag ay alam na alam ko na kung anu ang gagawin sa mga 'yon. “Congratulations Ollive! sa wakas ay ga-graduate kana! Masaya ako para sayo.. Nagbubunga na lahat ng pinaghirapan mo, baka iwan mo na kami niyan ha?” bati ng Boss ko na may halong pa konsensiya sa akin. Si Ma’am Cora na kasi ang nagbayad ng tuition fee ko mula noon nagtrabaho ako sa kanya, binayaran na rin niya ang graduation fee ko para wala na daw akong isipin. Kaya gustuhin ko man magpaalam na after ng graduation ko para makapaghanap ng ibang trabaho ay diko pa magawa, siguro mag stay muna ako sa kanya habang wala pa akong nakikitang trabaho na related talaga sa kurso ko at may malaking offer para naman makabawi ako sa lahat ng kabaitan niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ng Boss ko at nagpasalamat “Thank you so much Ma’am kung hindi rin dahil sa tulong mo ay baka di ko rin marating ‘to.” sagot ko kay Ma’am Cora habang nakayoko ang aking ulo hawak-hawak ang kamay niya. “Wag mo na isipin yun Ollive napakasipag mo at natutulungan mo rin naman ako dito sa opisina kaya sapat lang na tulungan kita.” turan niya. “Thank you! Thank you! Talaga Ma’am” sabi ko ulit sa kanya. “Oh siya! Ikaw na bahala dito kasi may meeting kami sa labas at baka doon na kami maglunch.” paalam ng boss ko. “Okay Ma’am no problem po! Ingat po kayo..” Nakaalis na ang boss ko kaya naman dali-dali ko nang umpisahan ang tambak na trabaho. Bigla kong naalala ang aking cellphone mula pa kasi kagabi ay diko na nache-check yun. Bumulaga sa akin ang mga missed calls at messages mula sa aking mga kaibigan. Una kong binasa ang message ni Trisha, isa sa matalik kong kaibigan. 'Girly' ang tawagan namin. Siya ang madalas kong kasama sa oras ng kalungkutan at kasiyahan. Girly Trisha: Girly! I miss you na.. tampo na ako sayo di mo na sinasagot tawag ko.. Me: Sorry Girly! Busy lang.. promise bawi ako sayo after graduation, pagbibigyan na kita sa gusto mo. Matampuhin kasi itong kaibigan ko na ‘to. Matagal na niya akong niyaya na mag bar daw kami kahit hindi kami ganun kalakasan uminom. Sapat na daw ang isang beer at maraming pagkain ang importante may live-band para mag-enjoy naman daw kami. Girly: Talaga? Promise mo yan ha.. Me: Yes Girly! Promise.. Girly: Thank you Girly! Isasama ko na ba si Marcus? Graduate kana daw baka pwede kana niya makita sa personal. Accountant sila Trisha at Marcus sa isang malaking kompanya sa Makati. Kapag tuma-tawag kasi ako kay Trisha sa opisina nila lagi si Marcus ang nakakasagot sa telepono kaya naman bago pa mabigay ang telepono kay Trisha sandamakmak muna na interview niya sa akin. Madalas na kami mag-usap. Natutuwa ako kapag kausap ko siya sa telepono. Naging magkakilala kami ni Marcus only over the telephone, at never pa kami nagkita! Gustohin ko man magkita kami pero ayoko. Bukod sa hindi pa ako handa, hindi rin ako basta-basta nagtitiwala sa mga lalake. Malay ko baka manloloko lang pala, diba? Sabi ni Trisha ini-stalk daw ako ni Marcus sa f******k pero binabalewala ko lang yun kasi normal lang yan sa mga lalake, lalake yan eh! Me: Ikaw bahala Girly! Siguraduhin mo mabait yan baka kung anu gawin sa atin niyan kung malasing tayo. Girly: Bakit maglalasing ka ba? Me: Hindi! Girly: Di naman pala e.. Me: Tama alam ko na! Bye Girly! work na ako.. Girly: Tc Me: Ty Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ko. Sasama ka pala ha! Lalasingin kita! Haha! Biro ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD