Chapter 11

1303 Words
Pagpasok niya sa loob ay nilapitan agad siya ng Manager at ilang waiters ng Bar. Binati nila si Marcus at sinabayan paakyat patungo sa Room 6, ito ang private room niya dito sa Blue Code Bar. Walang ibang nakakapasok dito kundi siya lang at kanyang mga matatalik na kaibigan. While on their way, tinatanong na ng Manager si Marcus kung anong mga pagkain o pulutan ang isi-serve nila. Sa alak naman ay alam na ng Manager na maraming mga nakatagong mamahaling alak si Marcus. When they enter the room, the waiters opened the lights, set up the tables and also set up the sounds. Alas 10 na ng gabi maraming tao na sa loob ng Bar. Dumating na rin si Kenn at si Ron. Pagpasok nila sa loob ay nakita nila na may nakatagay nang alak sa harapan ni Marcus. Nakasandal ito sa sofa at nakapikit ang mata tila may malalim na iniisip. Dahan-dahan silang umupo at kumuha ng throw pillow at binato kay Marcus. Ngunit, sa bilis ng kamay ni Marcus ay nahuli niya ito at sabay ibinalik ang pagbato sa kaibigan. Ganito sila magbiruan. Si Kenn at Ron ay childhood friends niya, nakatira sila malapit sa Old house nila sa Forbes Park Village sa Makati kung saan siya lumaki kasama ang Lolo at Lola niya. Sila lagi ang kalaro niya noong elementary. Dahil wala siyang magulang, noong highschool siya, minsan ay hindi siya umuuwi sa bahay nila. Pagkatapos maglaro ng basketball ay maglalaro naman sila ng computer games maghapon hanggang gabi sa bahay nila Kenn at doon na sila natutulog. Masaya si Marcus sa piling ng kanyang mga kaibigan kaya hinahayaan na lang siya ng mga Lolo at Lola niya kahit hindi umuuwi sa bahay. Magkaibigan din ang parents ni Kenn at ang Lolo at Lola ni Marcus. Minsan, noong highschool pa lamang sila ay nahuli si Marcus ng Lolo niya na amoy alak pagpasok ng mansyon. Nagalit ang Lolo niya at pinigilan na siyang makipagkita sa barkada. Marami silang kalokohan noong kabataan nila. Kaya kapag pinag-uusapan nila ngayon ay nagtatawanan na lang sila. Si Kenn o si Kenichi Tan ay isang kilalang Architect na ngayon. Si Ron naman o Attorney Ronaldo Cerca, Jr. ay may sariling sikat na Law Firm sa bansa. "Ron! mukang malungkot ang kaibigan mo! Anu!? bigyan natin ng cheska 'to?" Salita ni Kenn. *'CHESKA' ang tawag nila sa mga magagandang babae na bayaran na pumapasok sa club. "f**k off!" sigaw ni Marcus. " Ha ha ha" malakas na tawanan ng tatlo. --------------------- Hindi alam ni Marcus na sa tapat ng room nila ay nandoon ang mga katrabaho niya sa Accounting Department. Lahat ay present doon siya lang ang wala, hindi kasi siya pumasok kanina kasi nagturo siya sa Maco Review Center kung saan nandoon si Ollivia. Nagkayayaan ang mga katrabaho niya kasi birthday ng Head nila. Sa loob ng room 7 ay nagsasaya ang lahat, may nagkakantahan, sayawan at ang iba ay mga lasing na. Pati si Trish na minsan lang uminom ay lasing na rin. "Trish! inumin mo na yang nasa alak mo! aamagin na yan!" sigaw ng isang katrabaho niya. "Lasing na ako! Di ko na kayang inumin yan..." tanggi ni Trisha. Di na niya kayang uminom hilong-hilo na siya. Wala na rin siyang lakas para tumayo at maglakad. 'Shitt! Bakit ba ako naglasing? Paano ako uuwi ngayon?' Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag at tinawagan niya si Ollivia. "Girly..." nanghihinang bulong ni Trisha sa kaibigan. Malakas ang music sa loob kaya hindi niya maintindihan kung anu ang binu-bulong ng kaibigan. "Trish! Bakit ganyan ang boses mo? Nasaan ka ba? At bakit ang ingay diyan?" sigaw ni Trisha sa telepono. Nag-aalala siya sa kaibigan kasi hindi naman ganito ito kung tumawag sa kanya. "Girl.. Sundo.. mo ako... Sa Blue... Code... Bar dito sa Makati..." nagulat si Ollivia sa narinig mula sa kaibigan. "Lasing kaba! Trish? Bakit ka naglasing? May problema kaba?" "Bilis na...Blue...Code...2nd Floor... Room...Sss" at sabay malakas na "Bugg!!!" Sa sobrang kalasingan ni Trisha ay nabitawan niya ang kanyang telepono ay bumagsak sa sahig. Dali-dali naman nagbihis si Ollivia upang sunduin ang kaibigan niya sa Blue Code Bar. Nagbook na lang siya ng grab para di siya maligaw. Hindi kasi siya sanay sa Makati at lalo na sa mga Bar doon. Habang nasa daan ay tinatawagan niya ulit si Trisha ngunit nakapatay na ang telepono nito. Alalang-alala na siya sa kaibigan baka kung napaano na ito. 'Trisha! Anu bang naisipan mo para maglasing ka ngayong gabi! Jesus! sana Ok lang ang kaibigan ko..' dasal ni Ollivia. Sa Blue Code ay inalalayan si Trish ng kanyang katrabaho na si Aimee papuntang CR dahil nasusuka na ito. Lumabas sila ng room 7 at nagtungo sa pinakamalapit na CR sa may bandang gitna ng koridor. "Sige! Trish! Isuka mo lang yan para mawala ang lasing mo.. pagkatapos ay inom uli tayo!!" panunukso ni Aimee kay Trisha. Hindi sanay uminom si Trisha, isang bote lang ng beer ang kaya nila ni Ollivia. Nagsisisi siya ngayon na bakit sinubukan pa niyang uminom ng hard. Pagpasok ni Ollivia sa Bar ay agad siyang nagtungo sa second floor. Hindi na niya pinansin ang maingay at halo-halong amoy sa loob ng Bar. Kailangan niya agad mahanap ang kaibigan. Pag-akyat niya sa second floor ay napatigil muna siya. 'Saan ko siya hahagilapin dito? Anong room na nga ba siya? Room Ss6!? Basta bahala na!' Dali-dali siyang nagtungo sa Room 6, sa sobrang pag-aalala niya sa kaibigan ay di na siya kumatok at bigla na lang niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya ng pintuan ay agad niyang inikot ang mga mata niya sa loob baka sakaling makita ang kaibigan niya. Sa kasamaang palad ay wala si Trisha sa loob. Ngunit, may nakita siyang pamilyar na lalaki na nakaupo sa sofa na kanina pa nakatulala at pinagmamasdan siya. 'Sir Marc Damian? Ang manyak na instructor ng Maco? sabi na nga ba eh! Babaero talaga siya!' bulong ni Ollivia sa sarili nang makita niya si Marcus na nakaupo sa sofa sa loob ng room 6 na may katabing maganda at seksing babae na panay yakap sa kanya. Hindi alam ni Marcus kung anu ang gagawin niya nang bigla niyang makita si Ollivia sa may pintuan ng room nila. 'Ollivia? Totoo ba 'to? o lasing lang ako! Bakit siya nandito? Sino hinahanap niya ngayong des oras ng gabi!? Paano siya nakarating dito? Sino kasama niya?' sa pagbigla puro katanungan na lang ang pumasok sa isip ng binata. Gusto niya sanang lapitan si Ollivia nang bigla siyang bumalik sa katinuan. May katabi pala siyang cheska na pinapasok ni Kenn. 'Oh! Damnn!! bakit nasa tabi ko 'to kay Kenn 'to!' Tiningnan niya ng masama ang babae na panay himas ng dibdib at braso niya. Agad naman tumayo ang babae at lumipat sa tabi ni Kenn. Medyo may tama na si Marcus kaya hindi na siya aware sa nangyayari sa paligid. "Oh! Sorry! Pasensiya na po sa isturbo mga Sir... may hinahanap lang po kasi ako.." nahihiyang paumanhin ni Ollivia. Dali-dali niyang sinara agad ang pinto at nagtungo sa tapat na room. Bubuksan na sana niya ang room 7 nang may bigla siyang nakita na dalawang babae na palapit sa kanya sa di kalayuan. Tinitingnan niya ito kasi mukang pamilyar sa kanya ang isa. 'Trish? Thanks God! Si Trisha nga 'to!' "Trish!" tinawag niya ang kaibigan na naglalakad papalapit sa kanya. Medyo gumaan na ang pakiramdaman ni Trisha pagkatapos niyang isuka lahat ng alak na nainom niya. Pero medyo nahihilo at nanghihina parin siya. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan ay binilisan niya ang kanyang lakad papalapit kay Ollivia. "Girly..." niyakap niya si Ollivia "Sorry! Girly! naisturbo kita.. hu hu nalasing ako... hu hu" mula ngayon ay sinumpa na ni Trisha na hindi na siya iinom ng alak. At hindi na siya magpapa-tukso sa kahit kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD