Chapter 5

1068 Words
Pagbalik ni Trisha sa loob ng Bar ay nakasimangot na ito. "Oh girly! Bakit nakasimangot ka diyan? Di talaga pupunta yun. 'Yaan mo na! Okay lang ako. Alam ko duwag 'yon malakas lang ang loob sa telepono. O di kaya may girlfriend na yun niloloko lang tayo! Ganyan talaga mga lalake kaya di dapat tayo nagpapaniwala sa mga mga sinasabi nila." salita ni Ollivia sa kaibigan niyang dismayado sa pinagmamamalaki niyang officemate. Sa totoo lang, medyo may kalungkutan din ang kalooban ni Ollivia na hindi darating si Marcus. Akala niya ay makikita na niya ito sa personal after a year na magkilala lang sila sa telepono. Ayaw niya masira ang gabi ng kaibigan niya kaya kailangan ay palipasin na lang nila ito at i-enjoy ang gabi. Sa sama ng loob ay nagcheers sila sabay tungga ng beer sa bote. "Cheers!!! Congratulations my Girly! I'm so proud of you! Nakuha mo pa talaga maging Magna c*m Laude kahit working student ka.." sobrang proud ni Trisha sa kaibigan niya dahil bukod sa masipag ito sa trabaho at mag-aral ay matalino pa. Habang nag i-enjoy ang dalawa hindi nila namalayan ang tatlong lalake na bagong dating at umupo sa katabi nilang table. Maya-maya pa ay nagpaalam si Trisha sa kaibigan na pupunta siya sa banyo. Paglingon niya sa kabilang table nagulat siya sa taong nakita niya. 'Bakit nandito itong taong 'to! Akala ko umalis na siya.' Biglang nagkatininginan silang dalawa sabay senyas agad ni Marcus to keep quiet. Ayaw niya malaman ni Ollivia na nandoon din siya. Kahit na masama ang loob ni Trisha sa kaibigan, dahil duwag itong humarap sa bestfriend niyang si Ollivia ay hinayaan na lang niya ito. Ayaw niya rin mamilit. Patay malisya na lang siyang naglakad papuntang banyo at pa as if na wala siyang nakita. Habang hini-hintay ang kaibigan. Seryoso naman nakakatitig si Ollivia sa stage at pinaki-kinggan ang bawat kanta ng banda. Sa kabilang table naman ay may taong titig na titig sa kanya na tila mini-memorya ang bawat parte ng mukha niya. Simple lang ang outfit ni Ollivia ngayon. Naka khaki high-rise slim crop jeans with removable belt and tuck-in beige sleeveless knitted blouse. Lutang na lutang ang beauty at kaputian niya. Naglagay lang siya light make-up at nude lipstick. "Bro! takpan mo yan bibig mo baka pasukan ng langaw 'yan!" biro ni Ken kay Marcus na nakanga-nga kakatitig kay Ollivia. Nang marinig ang boses ng kaibigan saka bumalik ang kanyang ulirat. Malalim na pala ang iniisip niya. Gustong-gusto niyang lapitan ang babaeng nasa kabilang table pero hindi pa ito ang tamang oras. Tumahimik lang si Marcus, hindi niya pinansin ang biro ng kaibigan sabay tungga ng alak sa bote. Maya-maya pa, may lalake na lumapit sa table ni Ollivia. "Hi! Miss Beautiful! Is this seat taken?" biro ng classmate niyang si Michael. Swerte naman niya sa dami-dami ng Bar ay dito pa talaga siya napunta kung saan nandito rin si Ollivia na matagal na niyang crush. "Oh! Michael nandito ka pala. Sino kasama mo?" tanong ni Ollivia sa kaklase. "Nasa kabilang table mga kaibigan ko. Ikaw bakit nag-iisa ka? May problema kaba? Gusto mo samahan kita?" pahangin ni Michael kay Ollivia sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan. "Naku! Hindi! Kasama ko si Trish nag-cr lang. Ok lang ako.. Gusto lang namin mag-enjoy at ma-experience ang live band dito." paliwanag ni Ollivia. Naka-inom na si Michael kaya naman medyo malakas na ang loob nito makipag-usap sa dalaga. Sa kabilang table may lalake na nagmamasid sa kanila na halos di na maipinta ang mukha. Pagdating ni Trisha nabigla siya na may lalake nang nakaupo sa upuan niya. Pinakilala ni Ollivia si Trisha kay Michael, tumayo si Michael at pinaupo si Trisha. Ayaw pa rin umalis ni Michael at pilit pa rin kinakausap ang dalaga. "Ollivia baka pwede makuha cellphone number mo? Graduate na tayo hindi na tayo madalas magkita sa school." sabi ni Michael. Habang nagki-kwentuhan ang dalawa tahimik lang nakikinig si Trisha. Maya-maya pa tumunog ang kanyang cellphone tiningnan niya ito, may text siya galing kay Marcus. "Trish! paalisin mo na yan lalaking kausap ni Ollivia." Kanina pa nagtitimpi si Marcus. Binilangan na niya yun lalake pag 'di pa umalis ay may kalalagyan na siya. Pansin na ni Trish na hindi na comfortable ang kaibigan niya. Makulit na itong si Michael at dikit ng dikit na kay Ollivia. "Michael! balik kana sa table mo lasing kana.." matahan na sabi ni Trish. "Miss dipa ako lasing. Babalik lang ako pag binigay na ni Ollivia ang number niya." padiin na sagot ni Michael kay Trisha. Kanina pa siya nakikipag-usap at sinusuyo ang dalaga para kunin ang number pero hindi parin ito binibigay kaya naman nauubusan na siya ng pasensiya. Bigla itong lumapit, nagtangkang yakapin at halikan si Ollivia ngunit bago niya ito magawa ay may kamao na tumama sa mukha niya. Dahil sa sobrang lakas ng suntok ay humandusay agad siya sa sahig. Sa kalasingan ay hindi na niya napagtanggol ang kanyang sarili. Nilapitan siya ng mga bouncer at inilabas. Gulat na gulat si Ollivia sa nangyari. Di niya alam ang gagawin. Sa sobrang takot ay halos di na siya makagalaw. Lumapit si Marcus sa kanya at tinanong "Are you Okay?" nakatitig ito sa mga mata ng dalaga na may pag-aalala. Tiningnan ni Ollivia ang lalaking nasa harap niya at tumango lang siya. Sa pagka-bigla, di niya alam kung ano mararamdaman niya kung maaawa ba siya kay Michael na humandusay sa sahig o kiligin dahil sa sobrang lakas ng dating ng taong nasa harapan niya. Pinagmamasdan lang ni Trisha ang dalawa. Hini-hintay niya na magpakilala na si Marcus, ngunit mukhang wala pang balak ito. 'Marcus last chance ko na talaga 'to sayo kapag dika magpakilala ngayon sa harapan niya ay di na talaga kita papayagan na mapalapit sa kaibigan ko!' bulong sa isipan ni Trisha. "You go home now. This place is not safe anymore marami ng mga lasing." sabay atras at tumalikod na ito. 'Yun lang ang sasabihin mo Marcus? at aalis kana! ang duwag mo talaga!' bulong uli ni Trisha sa isip niya. Nilapitan ni Trisha si Ollivia at niyaya na niya itong umuwi "Girly! Ok ka lang? Tara uwi na tayo.." hinila agad ang kaibigan at dumaan sa counter para magbayad sabay labas ng Bar. Palihim naman silang sinundan ni Marcus hanggang makasakay sila ng taxi. 'Sorry Ollive, hindi pa ito ang tamang panahon. Sana mahintay mo ako.' isip ni Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD