Chapter 26

1114 Words
"Marcus, you can't back-out your offer. I need that job." pakiusap ni Ollivia habang nakasubsob ang kanyang mukha sa matigas niyang dibdib. "Sorry Ollive, I don't want you to be my secretary anymore." sagot ni Marcus. "Bakit?" "Kiss me!" utos niya. "Marcus!" "Gusto mo sagutin ko? Kiss me!" madiin niyang utos habang magkaharap ang mukha nila. Galit si Ollivia. Parang natural na lang kay Marcus ang palaging paghalik nito sa kanya. "Bitawan mo 'ko Marcus! Idedemanda na kita." sigaw ni Ollivia. "You won't dare, Babe!" nakangising sagot niya. "Ganyan ba kayong mga mayayaman? pwerket nasa inyo na lahat hindi na kayo natatakot?" galit na galit na salita ni Ollivia. "Nonsense! You want a job right?" tanong ni Marcus. Ayaw niyang patulan ang mga walang kabuluhan niya. "Y-yess.." mahinang sagot ng dalaga. "Okay! Stay in my house. You will be my personal assistant in one year!" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "What!? Sabi mo personal secretary! At bakit kailangan ko tumira sa bahay mo? " di makapaniwala si Ollivia sa narinig niya. "Forget it! I think you are better being my personal assistant. Preparing my things before going to office. Preparing my meals in the evening. And mostly, you will accompany me wherever I go. Ollivia Jimenez! Just answer me, yes or no?" "No!" walang pag-aalinlangan sagot ni Ollivia. Hindi niya inaasahan 'to. Trabaho lang ang hanap niya hindi ang tumira sa iisang bahay kasama siya. "Sure?" panigurado ni Marcus. Nang tumango si Ollivia sa kanya ay sabay sabi "Okay! You can go.." walang emosyon sagot ni Marcus. Tumalikod agad ito at nagtungo sa kwarto niya sa second floor. "Marcus!" sigaw ni Ollivia. "Marcus! Please... Baka naman pwedeng umuwi lang ako sa gabi!" Ngunit, hindi siya pinakinggan ni Marcus. Iniwan niya si Ollivia na nakatulala't panay tingin sa kanyang cellphone na tila malalim ang iniisip. Tawag ng tawag sa kanya si Martin pero hindi pa niya ito sinasagot dahil wala pa siyang solusyon sa problema. Malungkot si Marcus. Simula noong una nilang pagkikita lagi na lang malamig ang pakikitungo sa kanya ni Ollivia. Hindi katulad noong sa telepono pa lang sila nag-uusap ay okay sila. Lagi niya itong napapangiti, natuturuan sa pag-aaral at sumbungan kapag masama ang araw niya. Mabuti pa sa telepono may lambingan sila. Nasira lahat 'yon noong una silang nagkita, sa elevator at sa bar. Kahit sa telepono lang ay kinikwento ni Ollivia sa kanya ang talambuhay niya. Ngayon, ang ilap na niya. Hindi pwedeng hahayaan na lang niya na mapalapit siya sa iba at tuluyang mawala sa kanya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Ito na lang ang tangi niyang paraan para mapanatili siya sa kanya kaso sa kasamaang palad ay tinanggihan pa siya. Dahil sa buong araw na pagod at stress, habang naghihintay siya na bumaba uli si Marcus ay nakatulog siya sa sofa. Nakakaantok at nakakapanghina pala ang umiyak. Naalimpungatan si Ollivia akala niya ay nasa boarding lang siya't natutulog. Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mata. Nasa ibang bahay pala siya. Kanina bago siya nakatulog ay maliwanag pa, ngayon ay madilim na't mag alas onse na. Mukhang napahaba ang tulog niya. 'Nasa bahay pa ako ni Marcus. Hindi pa ako nakauwi?' bulong niya. Hindi pa pala siya umalis dahil nagbabakasakali siyang mapakiusapan pa niya ito. Ngunit, walang Marcus na bumaba hanggang sa nakatulog na lang siya sa sofa. Nahihirapan siya magdesisyon, pero kung hindi siya pagbibigyan ay mapipilitan siyang pumayag na lang para sa kanyang pamilya. Tumayo siya't pinagmasdan ang paligid, napakaganda talaga ng bahay. Mula sa sofa ay naaamoy niya ang masarap na ulam sa kusina. Lumapit siya't nakita niya si Marcus na nagluluto at naglilinis ng kusina. Mukhang sanay na sanay sa kanyang ginagawa. Hindi siya makapaniwala dahil ang alam niya sa mga mayayaman ay walang alam sa mga gawaing bahay. "Hungry? Wait a little I'm almost done here." salita ni Marcus. Binilisan niya ang kanyang kilos ng makita niyang gising na siya dahil alam niya na gutom na ito. Pagbaba niya kanina galing sa kanyang kwarto ay nagulat siya na nasa baba pa pala si Ollivia at natutulog sa sofa. Pinagmasdan niya ito habang natutulog halatang pumayat at stress sa mga problema. Kaya naisipan niya magluto ng stir-fry seafoods with vegetables and grilled tuna. Malaking bagay pala ang mayroon restaurant business kasi kahit gabi na ay mabilis lang siya nakakuha ng mga ingredients. Tinawagan lang niya si Kuya Jerry at inihatid agad lahat ng mga kailangan niya sa bahay. Tumango si Ollivia, alam niya na mag dis-oras na ng gabi pero nasa bahay pa rin siya ni Marcus. Kaso hindi siya pwedeng magmadaling umuwi kasi hindi pa niya nasosolusyonan ang problema niya. Nang matapos na magluto si Marcus ay kumain na silang dalawa. "You have to eat to more! Nangangayayat kana.." seryosong salita ni Marcus. Nilagyan niya ng maraming pagkain ang pinggan ni Ollivia. Hindi sanay si Ollivia sa ganitong trato sa kanya. Mula noong nagkita sila ay nag-iba na ang tingin niya kay Marcus, bastos na babaerong mayaman. Ibang-iba sa Marcus na nakilala niya sa telepono, na mabait, masarap kausap at ordinaryong tao lang. Tahimik na kumain si Ollivia. Gutom na gutom siya. Masarap ang ulam na niluto ni Marcus para siyang kumakain sa isang mamahaling restaurant. "Have you changed your mind? You have your own room here. Get your things so you can start tomorrow." dahil hindi pa nga siya umuwi ay akala niya na nagbago ang isip niya. Biglang tumigil sa pagkain si Ollivia at tiningnan si Marcus. Wala siyang magawa, kung hindi niya gagawin ito ay wala siyang panggamot sa Nanay niya. Kawawa din ang mga kapatid niya na minsan na lang nakakakain. "Okay..." May pag-aalinlangan na sagot niya. "Good!" Ngumiti si Marcus. "Gabi na! Dito kana matulog, delikado na sa labas. Your salary is P30,000 a month. I will advance your one whole year salary it's P360,000.00. Tomorrow, I will transfer the money in your account." paliwanag ni Marcus. "Marcus, hindi ba masyadong malaki ang sahod ko. Personal assistant mo lang naman ako pwede na ako sa minimum." "You're not my ordinary assistant! At kung babaan ko sahod mo ay hindi magkakasya para sa kailangan mong pera sa pamilya mo." paliwanag ni Marcus. Matagal pa ang gamutan ng Nanay niya. Kahit na naoperahan na siya ay kailangan pa rin niya na mag maintain ng therapy para makalakad uli. At dahil hindi pa nakakalakad ang Nanay, hindi makakapagtraho ng maayos ang Tatay niya kasi kailangan niya itong alagaan. 'Huh? Not my ordinary assistant? Ano ibig sabihin niya?' Kahit na may pagdududa at walang kasiguraduhan sa kanyang trabaho ay hindi na niya inisip 'yon ang importante ngayon ay masolusyonan ang problema niya at sundin lahat ng utos ni Marcus sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD