"Ang uncle mo? Siya yung tipo ng tao na kilalang-kilala sa school. Oo, kilala ko siya, pero malamang hindi niya ako matandaan," sabi ko habang inilalagay ang menu sa tabi pagkatapos mag-order. “Sikat ba siya?” tanong ni Ethan habang nagbubuhos ng tsaa para sa sarili niya. “Sabi ng mommy ko maraming babae ang naghahabol sa kanya. Totoo ba ‘yon?” “Yup, sumulat pa nga ako ng mga love letter para sa kanya,” sagot ko, medyo nakangiti. “Talaga?” nagulat si Ethan at ibinaba ang teapot. “Nagsulat ka ng love letter para kay uncle?!” “Biglaan ba?” Uminom ako ng tsaa. “Oo,” sagot niya. “Ikaw… Miss Yssa, hindi ka mukhang tipo na magsusulat ng love letters para sa lalaki…” “Paano kung binayaran ako ng iba?” sagot ko, napangisi. “Huh?” Kumunot ang noo ni Ethan. --- Hindi ko na maalala kung naaa

