Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari pagkatapos kong maaksidente ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa utak ko yung kataksilan nila Celine at Angelo sa akin.
Sobrang mahal na mahal ko si Celine kaya kahit na iniiputan niya na ako sa ulo ay nag tatakip mata nalang ako at nag kikibot balikat. Kasalanan ko din naman kung bakit siya naging ganito pinabayaan ko siya at niloko na din ng ilang beses. Ako ang nagsimula ng lahat-lahat ng nangyayari sa amin ngayon kaya siguro ito na din ang naging karma ko. Nagbago ako para sa kanya dahil sobrang mahal na mahal ko at hindi ko kayang mawala siya sa akin ngunit hindi ko alam na mas malala pala siya kaysa sa akin. Inalok ko siya ng kasal para malaman nyang sobrang mahal ko siya at tinanggap naman niya yun ngunit sa kabila ng lahat ng pagbabago ko ay masasaksihan ko ang isang pangyayari na dapat ay hindi ko makita.
Sobrang galit ako kay Celine ngayon pero siya pa din ang hinahanap-hanap ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko na naman si Manang Pasing at yung babae na nakangiti sa akin.
Palinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko pa din makita si Celine doon. Wala akong magawa kundi ang magtanong n
"Manang," tawag ko kay Manang Pasing.
"Ano yun?" tanong niya sa akin.
"Kailan ang labas ko dito sa ospital?" tanong ko sa kanya.
"Wala pang sinasabi ang Doctor kung kailan ang labas mo dito sa ospital basta ang importante ay magiging ok kana," nakangiting sabi niya sa akin.
"Ok naman na ako Manang kaya ko na ang sarili ko tsaka yung company ko walang nag aasikaso ngayon dun kasi wala ako," paliwanag ko sa kanya.
"Wala akong magagawa sa ganyan Anak kasi kabilin-bilinan ng Doctor sa akin ay kailangan mong mag pahinga dito sa ospital para sa full recovery mo," paliwanag niya sa akin.
Malungkot akong tumingin muli kay Manang hanggang sa hindi na ako kinausap pang muli ni Manang kaya tumahimik nalang ako sa tabi.
Lumipas ang oras na hindi nila ako kinausap kaya unti-unti na namang umiinit ang ulo ko.
Habang nakatingin ako sa pinto ay bigla itong bumukas. Nakangiting bumati si Emily sa akin.
"Kamusta!" nakangiting sambit ni Emily sa akin.
Napangiti ako ng bahagya ng nakita ko si Emily sa wakas may makakapagsabi na sa akin kung nasaan si Celine.
"Si Celine? Bakit hindi mo kasama si Celine?" tanong ko sa kanya habang seryoso ang mukha ko.
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko at paulit-ulit akong tinanong kay Celine.
"Teka? Ano? Si Celine? Bakit mo naman hinahanap si Celine?" paulit-ulit na tanong sa akin ni Emily.
"Malamang! Eeh fiancee ko yan? Bakit hindi ko hahanapin?" Galit kong sambit sa kanya.
Seryoso akong nakikipag usap kay Emily ng bigla niya akong pinagtawanan.
"Ano? Fiancee mo si Celine? Nagpapatawa ka ba? Eeh siya nga--" putol niyang sambit pagkatapos siyang hinawakan ni Manang Pasing.
Nagtinginan silang dalawa ni Manang Pasing na parang nag uusap sa isip lamang. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nilang dalawa dahil sobrang seryoso ng kanilang mga mukha.
Hanggang sa bigla akong nilapitan muli ni Emily at tinanong muli.
"Alam mo ba pinag sasabi mo ngayon Lucio?" seryoso niyan sambit sa akin.
"Malamang! Ano mag sasalita ako dito ng mga hindi ko alam? Ano ba! Bakit ba wala si Celine dito? Sabihin mo nga sa kanya na hinahanap ko siya!" galit kong sambit sa kanya.
"Manang, Pwede po bang tawagin mo ang Doctor? Kasi bakit ganito itong animalism na 'to?" pakiusap ni Emily kay Manang.
"Sige po," sambit niya kay Emily.
Lumabas na ng kwarto si Manang at bigla nalang ako sinigawan ni Emily.
"Matagal na kayong wala ni Celine," sabi niya sa akin.
"Anong wala?" gulat kong sambit sa kanya. , "I will make things right now! Kailangan kong makausap si Celine!" pakiusap ko sa kanya.
Habang nag uusap kami ni Emily ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Angelo.
Pagpasok na pagpasok palang ng pinto ni Angelo ay nag-init na agad ang ulo ko sa kanya dahil naalala ko na naman ang kahayupan na ginawa nila ni Celine. Hindi ko napigilan ang galit ko kaya nakapagbitaw agad ako ng maanghang na salita sa kanya.
"Tang ina mo Angelo! Bakit nandito kang gago ka! Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa akin pagkatapos mo akong gaguhin?" galit na sigaw ko sa kanya habang dinuduro siya.
Napatingin silang lahat sa akin dahil sa mga sinabi ko kay Angelo hindi ko alam kung bakit parang gulat na gulat sila sa reaksyon ko.
"Bakit mo minumura si Angelo? At tsaka anong pinag sasabi mo?" gulat na tanong ni Emily sa akin.
"Wala ka bang alam huh! Siya lang naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Celine! Kung bakit ako naaksidente ngayon! Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita sa akin Angelo sa kabila ng tinulong ko sayong gago ka!" galit na sambit ko kay Angelo.
"f**k Lucio! He's my husband! Anong pinag sasabi mo!" galit na sambit ni Emily sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ni Emily at parang na bu-buffer ang utak ko sa narinig ko sa kanya.
"Husband?" tanong ko nalang bigla.
Kahit pa kini-claim ni Emily na kasal sila ni Angelo ay hindi ko pa din napigilan ang sarili ko na tumayo sa kama at mabilis na sinugod si Angelo sa pwesto niya.
"I saw you Celine and Angelo! Tang ina niyong dalawa! Mga gago kayo!" sigaw ko kay Angelo habang hawak-hawak ang kwelyo niya.
Tumingin ng masama si Emily kay Angelo at sumugod din ng pag sapak sa kaniya.
"Hon! Aray ko!" sambit ni Angelo kay Emily.
"Si Celine pala ang babae mong gago ka! Sa dami-dami ng babae bakit si Celine pa!" galit na sambit ni Emily sa kanya.
Natameme lang ako sa ginawa ni Emily dahil I wasn't expecting this. Ako lang ang may karapatang saktan si Angelo ngayon dahil nagkasala siya sa akin pero bakit ang bumubugbog sa kanya ay si Emily.
"I don't know what are you talking about Lucio! Tanga ka ba? Walang kami ni Celine loyal ako sa asawa ko!" galit na sambit ni Angelo sa akin.
Para akong nalulutang sa mga naririnig ko sa kanila.
"Their married? How? Bakit hindi ko alam? Anong mga scenes ang hindi ko matandaan?" tanong ko sa sarili ko.
"Asawa mo? You're married? Kayong dalawa? Mag asawa ba talaga kayo? Paano?" nagtatakang tanong ko kay Angelo.
"8 years na kaming mag asawa ni Emily. f**k Celine! Bakit dinadamay mo na naman ako sa babaeng yun!" sigaw ni Angelo sa akin.
"Huh? I saw you with Celine yesterday paanong kasal kana kay Emily?" nagtatakang tanong ko ulit kay Angelo.
Biglang tumahimik ang buong kapaligiran. Tumigil sa pagsapak si Emily kay Angelo at napatingin nalang sila sa aking lahat. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa kanila pero parang nakakaasar lang yung mga tingin nila sa akin.
Biglang nabasag ang katahimikan ng bigla akong tanungin ni Emily.
"Do you know Gianna?" tanong niya sa akin.
"Who's Gianna? Wala akong kilalang Gianna." sambit ko habang nakataas ang kilay ko.
Biglang napaupo sa sahig si Emily at parang mamasa-masa ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong bigla ni Emily sa akin.
"Mahalaga pa ba yang tanong mo? Iharap mo sa akin si Celine yun ang importante," galit na sambit ko sa kanya.
"Anong araw ngayon! Sasagutin mo ako o hindi ko ipapakita sayo si Celine?" galit na sambit ni Emily sa akin.
"Tang ina! Ano bang klaseng tanong yan! Bullshit!" galit na sambit ko sa kanya. , "May 22, 2008! Ok kana? Masaya kana!"
Hindi na ako muling kinausap ni Emily. Pagkatapos ng sagutan naming dalawa ay napainom nalang siya ng napakaraming tubig sabay upo sa tapat ng aircon sa kwarto ko bakas sa mga mukha nila na sobrang lungkot nila para silang mga baliw na nakikipag away sa akin tapos bigla nalang manghihina na ewan.
Nakaupo sa sofa sina Emily at Angelo ng biglang dumating ang Doctor na kasama ni Manang Pasing.
"Good morning! Kamusta ang pakiramdam mo Mr. Lucio?" nakangiting tanong ng Doctor sa akin.
"I'm feeling good Doc! Pwede na akong madischarge today," masaya kong sambit sa kanya.
"I'm sorry pero hindi ka pa pwedeng lumabas ngayon. May mag running test pa tayo at monitorings," sabi niya sa akin.
"Bakit? Car accident lang naman ito. I can handle myself malayo sa lamang loob," nakangiting sambit ko sa kanya
"Car accident?" tanong ng Doctor sa akin habang nakakunot ang noo niya.
"I'm sorry? Mr. Lucio nabaril ka sa tagiliran mo not a car accident," paliwanag niya sa akin.
"Huh? Paano? Sinong bumaril sa akin?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.
"We can't answer that for now pero masaya kami na gumising kana," nakangiting sambit niya sa akin.
Mabilis lang ang pag-uusap namin ng Doctor tamang kamustahan lang tapos sabay talikod na sa akin at tinawag sina Emily at Angelo palabas sa silid ko.
Lumabas na tahimik sila Emily at Angelo kasama ang Doctor sa silid ko. I don't know what's happening right now para akong tanga na isip ng isip kung anong meron. Bakit ang dami nilang tanong sa akin, Bakit ayaw nilang ipakita si Celine sa akin, Bakit galit sila kay Celine, At sino yung sinasabi ni Emily na Gianna.
Malakas-lakas na talaga ang pakiramdam ko kaya tumayo ako ng sandali sa kinahihigaan ko at naglakad ako sa loob ng kwarto ko. Alalang-alala si Manang sa akin dahil daw baka bumuka ang tahi ko sa tagiliran ko.
"Iho, Magpahinga ka nalang muna wag ka ng maglakad-lakad diyan at baka bumuka ang tahi mo," pakiusap sa akin ni Manang.
Lumapit ako kay Manang at hinawakan ang kamay niya.
"Manang? Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko ngayon. Tell me what happen?" tanong ko sa kanya.
Tumingin sa akin ng diretsyo si Manang at hinipo ang pisngi ko.
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang nangyari alang-alang na rin sa'yo. We we're happy na bumalik kana ngayon Lucio. Gusto ko ikaw mismo ang makaalala ng magagandang memorya mo,"nakangiting sambit ni Manang sa akin.
Wala ding tulong si Manang Pasing sa akin kung ano bang mga nakalimutan kong ganap sa buhay ko para akong piece of s**t! wala akong kaalam-alam sa buhay ko ngayon para akong tanga.
Habang naglalakad ako pabalik sa pwesto ko ay bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya bigla akong na out of balance at napatihulog ako sa sahig.
Agad akong tinakbo ni Manang at nung babae nakasama niya para tulungan akong tumayo.
"Anong masakit sayo? Gusto mo tawagin ko ang Doctor?" alalang tanong ni Manang Pasing sa akin.
"Hindi na Manang. Ihihiga ko nalang ito para nasobrahan lang ako sa kakalakad ko." sambit ko sa kanya.
Dahan-dahan nila akong inihatid sa kama ko at pinahiga.
Lumipas ang ilang minuto ng nakatingin lang ako sa paligid ay nakaramdam ako ng antok. Nakapikit na ang mga mata ko ng pumasok sila Angelo at Emily sa kwarto ko pero gising pa din ang diwa ko kaya naiintindihan ko pa ang mga usapan nilang lahat dito sa loob ng kwarto ko.
"Anong nangyari? Bakit po may biglang kumalabog mula dito sa loob kanina?" tanong ni Emily kay Manang Pasing.
"Pinipilit ako ni Lucio na sabihin sa kanya kung anong nangyari nung mga panahong wala siyang malay. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nasabi ko nalang sa kanya na mas magandang siya ang makaalala ng mga magagandang memorya na meron siya," sambit ni Manang kay Emily.
"Tama yung ginawa niyo Manang. Sino po unang nakakita kay Lucio na may malay na?" tanong ni Emily kay Manang Pasing.
"Walang natirang bantay dito kagabi Emily. Basta nagulat nalang kami ni Alma ng biglang nagising si Lucio kaninang umaga. Baka yun ang unang beses na gumising siya," sambit ni Manang kay Emily.
"Bakit ganyan? Bakit si Celine ang hinahanap ng kumag na yan," galit na sambit ni Emily kay Manang.
"Hindi ko din alam kung bakit ganyan siya. Bakit si Celine ang naalala niya samantalang si Gianna naman ang bukang bibig niya." nagtatakang sambit ni Manang Pasing kay Emily.
Pare-pareho silang nalulutang sa nangyayari sa akin pare-pareho kaming mga tanga na nag iisip kung bakit ganito ang nangyari sa akin.
Lumalalim na ang tulog ko ng mga oras na ito kaya hindi ko na masyadong naririnig ang mga usapan nila.
~~~
Pag mulat ng mata ko ay nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa isang puting kama nakasuot ako ng hospital dress ng mga oras na ito gaya ng suot ko ngayon. Nakatingin lang ako sa paligid nag babakasali na may makakita sa akin na nagising na ako ngunit ni isa ay walang dumating para i-check ako.
Pinipilit kong tumayo sa kinauupuan ko ngunit hindi ko kayang buhatin ang katawan ko kaya bumalik nalang ako sa pagkakahiga.
Lumipas ang mga oras na nakahiga ako at gising na gising ng may babaeng pumasok sa silid ko.
Napaka ganda niya. Balingkinitan ang katawan, Mamula-mula ang balat, kulot na mahaba ang buhok at napaka ganda ng mukha niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya ng mga oras na ito walang salita ang lumalabas sa bibig ko bagkus ay nakatitig lang ako sa kanya.
Wala din siyang sinabing kahit anumang salita sa akin basta nakahawak lang siya sa kamay ko at nakangiti sa akin.
Habang hinahaplos niya ang mukha ko ay nakakaramdam ako ng kakaibang t***k sa puso ko hindi ko alam kung anong pakiramdam ito pero alam kong naramdaman ko na ito dati.
Aliw na aliw ako sa ngiti niya sakanya kaya napapapikit nalang ako hanggang sa nakatulugan ko na siya at pagkatapos no'n ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
~~~