Habang tumatagal ang pananatili ni Celine dito sa pamamahay namin ni Gianna ay mas lalong gumugulo ang lahat. Hindi ko na kayang makisama sa babaeng ito hindi ko na kayang saktan ang asawa ko. Hindi natapos sa mga bangayan sa umaga hanggang gabi sa loob ng bahay namin parang nagkabagyo sa loob dahil hindi matapos-tapos ang bangayan ni Celine at Gianna. Kinabukasan nagising nalang ako sa tabi ni Celine. Nakahiga siya sa mga braso ko kaya agad kong tinanggal ang ulo niya sa braso ko at pumasok ako sa kasilyas para maligo. Habang naliligo ako ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Nakakahiya ako sobrang nakakahiya. Ano nalang mukhang ipapakita ko kapag nalaman ni Don ang mga ginagawa ko ngayon baka ilayo niya sa akin si Gianna. Lumipas ang mahigit kalahating oras

