KABANATA XVIII

1490 Words
Habang nag babasa ako ng mga dokumento sa opisina ko ay may napansin akong isang folder sa gilid ng laptop ko. "May naligaw pa na papeles." sambit ko. Ibinaba ko yung binabasa kong papeles at kinuha ko ito para basahin. Pagbukas ko ng folder ay kakaibang contract ang nabasa ko.  "Signed by Gianna and Lucio?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Binasa ko ng buo yung contract na ito at nalaman ko na hindi pala tunay ang kasal naming dalawa. Mas lalo akong naging curious sa pagkatao ni Gianna ng nakita ko sa loob ng folder ang isa pang sulat. "Marriage contract? At talagang si Henry pa ang nagkasal sa aming dalawa?" natatawang sambit ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Henry. Nakailang tawag muna ako sa kanya bago niya sinagot ang tawag ko. "What the f**k?" bungad niya sa akin. "Hey! Stop cursing!" inis na sambit ko sa kanya. "Gago talaga mga pinsan mo hindi ako binalitaan na gising ka na! Kamusta Bro?" tanong niya sa akin. "I'm good! May salu-salo sa bahay mamaya pumunta ka dahil marami akong itatanong sayo," sambit ko sa kanya. "Ano na namang pumasok sa isip mo? Sige-sige I will be there," sambit niya sa akin. "Ok!" sabi ko sa kanya sabay patay ng tawag ko.  Lumiyad ako ng bahagya sa upuan ko at nag bugtong hininga. "Gianna? Gianna? Sino ka ba talaga sa buhay ko?" tanong ko nalang bigla sa sarili ko. Pagkatapos kong mag isip ng malalim ay tumayo na ako sa upuan ko at kinuha ko ang coat ko para umalis na sa opisina ko. Paglabas ko ng opisina ko ay nakita ako ni Emily mula sa labas. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Emily. "I'm going somewhere," sagot ko sa kanya. Hindi ko na nilingon si Emily at sumakay na ako agad sa elevator. Pumunta ako agad sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko para pumunta sa isang lugar na biglang pumasok sa utak ko. Patuloy ako sa pag da-drive ng sasakyan ko hanggang sa natunton ko ang mall malapit sa opisina ko. Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot at tsaka ay madali akong pumasok sa mall. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko bakit ako nandito ngayon basta bigla nalang akong dinala ng mga paa ko dito. Naglalakad-lakad ako hanggang sa nakakita ako ng flower shop. Nakatitig lang ako sa asul na rosas na naka display doon parang nangungusap siya sa akin. Lumapit pa ako ng bahadya sa bulalak ng para kunin ito ng bigla itong hinawakan ng isang babae. Nagkahawakan kami ng kamay na dalawa. "Hindi ko sinasadya Miss," nahihiyang sambit ko sa kanya. Ngumiti sa akin yung babae sobrang ganda ng ngiti niya.  "Ok lang! Bibilhin mo ba 'to?" tanong niya sa akin. "Aaah sige sayo na napatitig lang ako sa bulaklak na ito ng hindi ko alam," sambit ko sa kanya. "Bakit? May naaalala ka ba sa bulaklak na ito?" tanong niya sa akin. "Wala. Wala akong maalala pero parang kinakausap ako ng bulaklak na bilhin ko siya," nakangiting sambit ko sa kanya. "Sayo na 'to baka maalala mo kung anong meron sa bulaklak na ito," nakangiting sambit niya sa akin. "Anong pangalan mo?" bigla ko nalang natanong sa kanya. "Gianna," nakangiting sambit niya sa akin. Napatingin muli ako sa bulaklak na binalik niya sa lagayan at napaisip ako sa pangalang Gianna. Malalim ang iniisip ko ng mga oras na ito ng biglang pumasok sa isipan ko ang pangalan ng asawa ko. "Gianna!" sambit ko bigla sabay tingin sa pwesto ng babae. Wala na siya hindi ko man lang nakita ng maayos ang mukha niya. Ngunit hanggang ngayon ramdam ko parin yung kuryente na pumasok sa katawan ko mula sa kanya kanina nung nahawakan ko ang kamay niya. Binaling ko ang atensyon ko sa tindera at tinanong ang babaeng nasa tabi ko kanina. "Miss! Asaan yung babaeng kausap ko kanina?" tanong ko sa kanya. "Babae? Wala po akong nakitang babae diyan kanina Sir," nagtatakang sambit niya sa akin. "Ganun ba? Sige kukunin ko itong asul na rosas na ito." sabi ko sa tindera. Pagkatapos kong bilhin ang napakalaking bouquet ng asul na rosas ay naglakad-lakad muli ako sa loob ng mall. Habang naglalakad ako ay bigla kong nakita ang isang tindahan naman ng ice cream pumasok ako dito at agad akong nginitian ng mga crew nito. "Kamusta po kayo Sir?" tanong ng isang babae sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at bigla ko nalang siyang sinagot. "Mabuti naman ako," nakangiting sambit ko sa kanya. "Same flavor pa rin po ba? Gaya ng dati nyong binibili?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang sinasabi niya sa akin pero tumango nalang ako at nagbayad. Umupo ako sa upuan doon at inabot niya sa akin ang strawberry, ube at chocolate ice cream. Napakunot ang noo ko dahil sa binigay niya sa akin at napatanong nalang bigla. "Ang dami naman nito?" tanong ko sa babae. "Iyan po ang lagi niyong inoorder sa amin dito Sir," nakangiting sambit niya sa akin. "Totoo ba? Bakit ako umoorder ng ganito kadaming ice cream?" nagtataka kong tanong sa kanila. Napatanga din sa akin ang babae at napailing nalang bigla ng sumagot sa tanong ko. "Ito po kasi ang laging inoorder ng asawa niyo kapag nagagawi mo kayo dito sa amin kaya ito po ang lagi niyong inoorder sa amin," sambit niya sa akin. "Aaah ganun ba? Ok sige ano pang ino-order ng asawa ko dito dati bibilhin ko din," nakangiting sambit ko sa kanya. "Nag te-take out po kayo ng ice cream cake Sir Lucio. Gusto niyo po ba pagawa ko na?" tanong niya sa akin. "Sige bigyan mo ako ng ice cream cake na laging inoorder ng asawa ko." sambit ko sa kanya. Nanatili ako ng ilan pang minuto sa loob ng ice cream store na ito para magtingin-tingin ng kung ano-ano at tsaka ay lumabas na ako para bumalik sa kotse ko. Habang naglalakad ako ay may bigla nalang bata na nadapa sa harap ko kaya wala akong nagawa kung hindi ay tulungan siyang tumayo. "Bata, Ok ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumingin lang sa akin ang bata at umiyak ng malakas. Naturete ako sa kanya at hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinubukan ko siyang bigyan ng isang piraso ng asul na rosas para tumahan siya sa pagkakaiyak. "Para sayo," nakangiting sambit ko sa kanya. Tumigil sa pag-iyak ang bata at inabot ang bulaklak. "Thank you," nakangiting sambit niya sa akin. "Next time be careful para hindi ka nadadapa huh. Sayang ang kutis mo kapag nagkaroon ka ng mga peklat," sambit ko sa kanya. Napatitig sa akin yung bata at ngumiti nalang bigla sabay yakap sa akin ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa ng bata sa akin at nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. "Thank you Mr," sambit niya sa akin. "Welcome, Anyway anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Bella!" slang niyang sambit. "What a beautiful name." nakangiting sambit ko sa kanya.  Tumayo na ang bata at tumakbo ng mabilis papalayo sa akin. Tumayo na din ako sa kinauupuan ko at kinuha na ang mga pinamili ko tsaka patuloy kong paglakad papunta sa parking lot. Hindi ko maitago ang ngiti sa mukha ko hindi ko din alam kung bakit ganito kagaan ang pakiramdam ko. Sumakay na ako sa kotse ko at dali-dali na akong umuwi sa bahay ko. Mabilis lang akong nakauwi sa bahay ngayon dahil maaga pa naman at wala pang trapik sa daan. Bumusina ako mula sa labas ng bahay at agad naman akong sinalubong ng ni Manang Pasing at ng isang babae. Agad nilang binuksan ang gate at ipinasok ko na ang kotse ko sa loob. Pagpasok ko ng kotse ko sa loob ay napansin ko ang isang kotse doon na natakpan ng trapal kaya agad ko itong tinanong kay Manang Pasing. "Manang, Kaninong kotse yang natakpan diyan?" tanong ko sa kanya. "Regalo ni Don sa inyo yan noong kasal niyo ni Gianna," nakangiti niyang sambit sa kanya. "Ganun ba? May susi ka ba nung kwarto sa kabila?" tanong ko sa kanya. "Meron po akong susi teka lang po at kukunin ko." sambit niya sa akin sabay alis sa harap ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at tumungo ako sa sala para umupo. Ilang sandali pa'y dumating na si Manang Pasing dala-dala ang susi. Agad kong kinuha ito sa kanya at saka ay umakyat na ako sa taas para buksan ang kwarto ni Gianna. Pagbukas ko palang ng pinto ay nakita ko na agad ang napaka laking litrato naming dalawa sa kwarto niya. Bakas sa mukha ko na sobrang saya ko sa piling nitong babae na 'to kaya ganyan nalang kalaki ang mga ngiti ko. Umupo ako sa kama niya at kalaunan ay humiga ako.  Nakahiga lang ako ng mga oras na ito ng bigla akong nakaramdam ng antok kaya natulog muna ako bago dumating ang mga bisita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD