Habang hinihintay namin ang iba pang mga bisita dahil medyo maaga pa naman ay inaya ko muna ang mga pinsan ko na pumunta sa kubo para magkaroon ng pribadong usapan at mawala kahit saglit sa paningin ko si Celine. Mag papasko na ngayon at ito ang isa sa pinaka magandang kaarawan ko sapagkat may isang importanteng tao akong makakasama sa espesyal na araw na ito. Hindi ko man maibigay sa kanya ang katahimik ngayon ngunit sisiguraduhin kong pagkatapos ng araw na ito ay tatapusin ko na ang ugnayan namin ni Celine at igi-give up ko na ang kumpanya ko para makasama ko na ng matiwasay ang may bagay ko. "Dinala ko kayong dalawa sa kubong ito para humingi ng tulong sa inyo," pakiusap ko sa dalawa. "Ano 'yun?" madaling tugon ni Fernando at Franco sa akin. "Matagal ko na ding pinag isipan ito pero

