Nagising ako dahil hindi tumitigil ang pagriring ng phone ko. Tiningnan ko ang oras at nakita na alas tres pa lang ng madaling araw, tatlumpung minuto mula iwanan ko siyang lasing na lasing sa kanyang kwarto. "Tangina." Mura ko at pilit na minulat ang mga mata para sagutin ang walang tigil na telepono. "Oh? Ano na naman ang kailangan mo?" Antok na antok pa ako at humiga. Medyo nahilo rin ako dahil nakadalawang shot ako ng whiskey. May pasok pa mamaya! "Ikaw." Sagot niya. May bakas pa rin ng kalasingan. Umirap ako. "Wala akong balak na makipagbiruan, Mase. Kung wala ka talagang sasabihin, matutulog na ako." Huminga siya ng malalim at

