Pagkatapos niya akong sabihan nang ganun ay isang linggo niya akong hindi pinansin. Napailing ako. Akala ko ba magreresist ako? Eh bakit parang wala naman akong ireresist? Ang laki talaga ng topak ng anak ni Tito Von. Naligo na ako at handa nang pumasok sa bago kong school. Kinuha ko iyong folder kung nasa saan ang aking papers. Ang sabi ni Lola ay iaabot ko lang ito sa registrar at pwede na akong pumasok. Hindi pa ako nakauniform. Hahayaan nila ako na isang buwan na hindi nakauniform sa bagong eskwelahan. Iyon ang nakalagay sa notice ko. Naglakad na ako pababa ng hagdan ng makita ko si Mason na bihis na rin at hawak iyong folder niya. "Ano? Sabay ka sa akin?" Tanong ko. Tumango siya at uminom pa sa tubig na na

