Chapter 4

1128 Words
Hila hila ko si Osang patungong perya. Para akong tanga na nakakuyo habang naglalakad ng mabilis. "Isay, para kang ewan dyan. Bakit ka ba tumakbo na lang bigla kanina? May ginawa ka na naman bang kalokohan?". Hindi ko sya pinansin. Tuloy lang ako sa paglakad habang hila hila sya. Nang makarating sa perya ay saka ko sya binitawan. Nakacross ang mga braso sa dibdib at nakataas ang kilay sa akin. "Siguro naman pwede mo ng sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari?' Nagpalinga linga muna ako sa paligid bago humarap sa kanya at bumuntong hininga bago sinimulan magkwento. Nakikinig lang sya sa akin habang nagkukwento ako. "Anong gagawin ko friend!" Namomrobemang tanong ko sa kanya. Napatitig ito sa taas at wari'y nag-iisip. "May dalawa akong solusyon sa problema mo." Tinaas pa nito ang hintuturo. "Una, ibenta mo na ang bulok mong bahay para may pambayad ka kay Don Hermano. Pangalawa, Sagutin mo na ang panliligaw mong intsik para may mautangan ka, at pangatlo, tanggapin mo na lang ang kapalaran mo na maging isang alipin ni Don Hermano panghabang buhay." Nanlumo ako sa narinig. "Walang kwenta naman yang suggestion mo. Hindi ko pwedeng ibenta ang bahay namin. Yun na lang ang natitirang ala-ala ni mama sa amin." Malungkot ko syang tiningnan. "Sa tuwing nasa bahay ako, parang kasama ko na din si Mama." Malungkot din nya akong tiningnan. "Tumawag na ba si tito Oscar? Nasaan daw sya?" Umiling lang ako. Mahigit isang buwan ng di umuuwi si papa. Kung saa man sya ngayon alam kung safe sya doon. "Napakawalang hiya talaga nyang tatay ni Carlota. Matapos paghirapan ni tito ang bagong tayo nyo palang tayo na negosyo, tinakas na yung pera." Nanggigigil na sabi ni Osang. Nagtayo si papa ng bakery sa bayan. Dahil magaling si papa sa paggawa ng tinapay, wala pang isang buwan ay lumago na iyon. Kasosyo ni papa sa negosyo ang matalik nyang kaibigan na si tito Alvin. Inutang lang nila ang puhunan kay Don Hermano, yun nga lang si pangalan lang ni papa ang nakalagay dahil sya lang naman ang mag-isang pumunta dito para mangutan. Madaling hiraman ng pera si Don Hermano. Marami ang may gusto sa matanda dahil madali itong lapitan lalo na sa oras ng kagipitan ngunit pag di ka tumupad sa usapan, You will get your own punishment. Meron pa ngang tsismis na pinapakain daw sa alaga nitong buwaya kapag di mo sinunod ang gusto nito. Bigla akong kinilabutan. Baka ipalapa nya din ako sa buwaya. "Anong gagawin mo ngayon? nagaaligid lang sa bahay mo ang mga tauhan ni Don Hermano." Bigla akong nagbalik sa kasalukuyan ng magsalita si Osang. "Doon ka na lang ulit sa amin matulog. Ako ang naninyerbos saiyo ei." She suggested. "Hindi na, nakakahiya na sa tatay mo. At saka tatlong araw na akong umuuwi sa bahay, wala pa namang Men In black akong nakikitang umaaligi-ligid. "Bahala ka, basta mag-iingt ka ha?'' She smiled at me. Matapos mag-usap ay masaya kaming naglibot sa Perya. Ginamit ko ang perang kinuha ko sa mama at sa kasamaang palad, natalo din sa pusta. Tama nga siguro an kasabihang "Kapag nasa masama naggaling ang pera, hindi ka uunlad." Tama ba iyun? Ah basta, dapat pala binili ko na lang yun ng meryenda kaya lang baka sakitan ako ng tiyan. "Isay, punta taya doon oh sa maghuhula, try mong ipahula yag kapalaran mo." Napatingin ako sa booth na itinuro ni Osang. Tatanggi na sana ako ng bigla nya akong hilain papunta doon."Ano ba iyan Osang, di naman totoo yang hula-hula na yan." Nakasimangot kong tugon. Pinameywangan nya ako. "Subukan mo lang naman. Nalala mo ba yung sabi ni Aling Hilda? Nagpahula daw sya noon sa isang fortune teller, ang sabi magkakaasawa sya ng Afam, tingnan mo nagkatotoo yung hula. Tapos si Mary yung etchoserang frog na kapit bahay natin, nakabingwit ng matandang mayaman, sabi yun ng maghuhula." Bigla tuloy nyang naalala si Mary, kababata namin ni Osang. Inggit na inngit sa amin yun simula pagkabata, paano lahat ng crush nya ay may crush sa amin. Mang-aagaw daw kami. Like duh! Kasalan ba naming ipinanganak kaming magaganda. "Okay fine, pero ikaw magbabayad ha, walang akong pera." Ngumiti naman ito. "Sureness". Tsk! Pumasok na kami sa tent ng maghuhula. Red and Black ang kulay sa loob. Marami ding abobot ang nakadisplay. Meron pa ngang mga ulo ng hayop na gawa sa kahoy ang nakasabit. Sa gitna nito ay isang matabang babae na akala mo ay magkukulam dahil sa suot. Nagbabalasa ito ng baraha. Tumingin ito sa direksyon namin. "Sino sa inyo ang mauuna?" Itinulak naman ako ni Osang sa Upuan. "Sya lang po ang magpapahula." Turo ni Osang sa akin. Inilatag naman nito ang mga card sa harap ko. "Pumili ka ng tatlo". Tukoy nito sa mga baraha. Matapos pumili ay binuklat na nito ang baraha. Pinagpapawisan na ako, hindi ako naniniwala sa ganito pero nacucurious pa rin ako. Nagulat ito sa habang tinitingan ang baraha sabay tingin ng diretso sa aking mga mata. "Akin na ang mga kamay mo." Iniabaot ko naman ang kanang palad ko. Hinaplos nya ito at sinusuri ang guhit sa aking palad. "May pinagdaanan ka bang hirap iha?" Biglang tanong nito. "May mga tao bang gustong saktan ka dahil sa utang?" Napakunot ang noo ko. Paano nito nalaman na may utang kami. Hindi kaya tauhan ito ni Don Hermano? "Huwag kang mag-alala iha, malalampasan mo rin ito. Makakabayad ka sa mga pinagkakautangan nyo. May makikilala kang mayamang instik at sya ang tutulong sa iyo kung papayag kang mapangasawa ito." Napaisip ako, ang tinutukoy ba nito ay yung instik kong manliligaw na may ari ng groceries store sa bayan? Bigla akong kinilabutan. Napatingin ako sa gawi ni Osang. Hindi ito makatingin sa akin ng diretso. May problema ba ito? "Ngunit...pasuspense nitong sabi, may isa ka pang makikilalang lalaki, isang ubod ng gwapo at mayaman. Aalukin ka ng kasal na hindi mo matatanggihan kaya lang magiingat ka. Mamahalin mo ito ng lubos at di mo na kayang umaho pa." Sumakit yata lalo ang ulo ko sa manghuhula na ito. Ang gulo! Tumayo na ako at niyaya si Osang na umalis. "Oh my G friend, ang haba ng hair mo! Akalain mo, dalawang lalaki ang nakaabang sa iyo in the future." kinikilig na sabi nito. "Ewan ko sa iyo, wala namang kwenta yung pinagsasabi ng manghuhula na iyon." Naglalakad na kami pabalik sa booth. "Walang mawawala sa iyo Isay kung maniniwala ka. Hmmpp!" Ingos nito sa akin. Matapos ang gabing iyon, ay kanya kanya na kaming nagsiuwian. Para pa akong magnanakaw sa sarili kong bahay. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Hindi ko pwedeng buksan ang ilaw, malalaman nila na nakauwi na ako. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kama. Dahil na din sa pagod, ay nakatulog ako agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD