“The patient is fine. Wala namang damage sa kanya maliban sa mga natamo nyang sugat sa siko at tuhod. It’s minor injury lang.” Dinig kong sabi ng Doktor. Napagastos pa ata ako nito. Diyos ko, wala akong
pambayad sa hospital bills. Dapat pala nagpahuli nalang ako sa guard at sinauli ang pera. Isang gabi lang naman akong makukulong.
“ Why isn’t she waking up yet?” pamilyar sa akin ang boses na yun. Ah, yung mamang pogi pala ang nagdala sa akin dito.
“ It’s probably because of shock, but don’t worry, she will wake up soon at pwede na syang idischarge. You may now settle the bills sir.” sabi ng Doktor. Malalim itong napabuntong hininga. Di ko alam kung dahil ba sa di naman malala ang natamo ko o dahil sa bayaran.
“Thank you Doc.” Matipid na reply ni mamang pogi. Binuksan ko ng maliit ang cute kong mga mata. Nakatalikod ito habang nakaharap naman sa aking ang Doctor.
“Nurse, pakiassist na lng si sir sa payment section.” Utos ng doctor sa nurse na nakatulala lang habang nakatingin sa mamang pogi.
“ Y-yes Doc, this way sir.” Aba, napakagat labi pa si ateng nurse. Nang makaalis na sila, dahan dahan akong bumangon. It’s time to escape. Binuksan ko ang nakaharang na kurtina. Buti na lang at walang ibang tao dito. Biglang kumulo ang tyan ko. Shet! Wala pa pala akong kain simula kaninang umaga. Napatingin ako sa wall clock na nasa aking kaliwa. Three thirty na ng hapon. Lumabas na ako at hinanap ang exit. Ang laki naman ng hospital na ito. Habang naglalakad, biglang nagring ang cellphone ko. Osang calling.....
“HOY BRUHA KA, NASAAN KA NA? KANINA PA AKO DITO NAGHIHINTAY, KUNG SAAN SAAN KA NA NAMAN NAGSUSUOT-SUOT.” Walang prenong nyang sigaw. Napahawak ako sa tenga ko. Ang bruhang ito, tuluyan na talagang masisira ang eardrums ko.
“Chill, ang wrinkles mo, sige ka, madali kang tumanda nyan.” Pang-aalaska ko.
“TALAGANG TATANDA AKONG MAAGA SAYO, ASAN KA BA KASI HA?” Napairap na lang ako sa pagsigaw nya. I bet umuusok na ang ilong nito.
“Nasa hospital ako.” Maikling sabi ko.
“WHAT???, may masama bang nangyari kay tito? Kumusta na sya? Ok lang ba sya? Pupuntahan ko kayo.” Nag-aalalang sabi nya. Napangiti na lang ako. Osang is my bestfriend. Simula ata nung nagkaisip ako, lagi ko na itong kasama sa mga kalokohan. Palibhasa, parehas kaming ulila. Ang pagkakaiba lang namin ay may tatay pa ako.
“Relax, walang problema kay tatay, sa ngayon.” Napabuntung hininga ako. “
Hintayin mo ako dyan sa plaza, pupuntahan kita.” At binaba ko na ang tawag. Malapit na ako sa exit ng may mapansing pamilyar na mga mukha. Mukha itong mga Men in Black. Nagpalinga linga ang mga ito.
“Boss, ayun sya oh!” Turo ng lalaking kamukha ni Majinbu. My gulay! Di pa pala tapos ang kalbaryo ko. Paano na ang beauty ko neto?
Lakad-takbo ang ginawa ko. Liko doon, liko dito. Pumasok ako sa isang kwarto na nilabasan ng Nurse. Office yata ito ng Doctor. May mga gamit na hindi ako pamilyar. Nilock ko ang pinto at dinikit ang tenga sa dito.
Nakarinig ako ng mga yabag na tumatakbo. s**t! Paano na to? Paano
ako makakalabas dito. Naghintay pa ako ng kalahating oras at saka
sumilip sa kunting siwang ng pinto.
Mukhang wala na sila, pero paano
kung nakaabang pa rin sila sa labas. An idea pop up in my head. Kinuha
ko ang putting Doctor’s coat na nakapatong sa likod ng swivel. Ang
bango naman ito. Hihi!. Kinuha ko din ang stetoscope at sinabit sa aking
leeg. Huminga muna ako ng malalim at dahan dahang lumabas ng
kwarto.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Baka mamaya bigla na lang
sumulpot dito ang mga tauhan ni Don Hermano. Ang tigas talaga ng ulo ng matandang panot na iyon. Sinabi ng wala pa akong pambayad sa kanya.
“Right and Left cleared.” mahinang bulong ko. Dirediretsyo lang ang lakad ko ng bigla napaliko. Paking shet naman oh, akala ko umalis
na sila. Pasimple akong lumingon at nakita kong nasa likod ko lang sila
at palinga linga. Huwag lang sana akong mahuli kundi katapusan ko na.
May nakita akong dalawang nurse nagchichichismisan sa unahan.
“Kung nakita mo lang sya, tiyak na malalaglag ang panty mo.” Kinikilig na kwento nito. Pasimple akong sumbay sa kanila. I cleared my throat.
“Ahem, Kumusta ang pasyente sa room 305, buhay pa ba?” Pormal na sabi ko.
“Doc.” Nalilito nila akong tiningnan.
“Check nyo kung buhay pa, balitaan nyo ako.” Sabay lampas ko sa kanila.
“Kilala mo ba sya? Doctor ba iyon dito?’’ Narinig ko pang usapan nila. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Pumasok ako sa cubicle ng restroom at tinapon ang coat sa
trash can. Sorry Doc. Bili ka na lang ng bago. Hinubad ko ang suot kong
long sleeve na Jacket. May white sando pa naman akong doble. Tinali ko ito sa aking bewang. Pagkatapos magdisguise ay lumabas na ako.
Akala ko naiwala ko na sila, di pa pala. Oh no, bakit ang dami nila. Mga peste talaga sa buhay ko!.
“Excuse me lang, makikiraan emergency!” Sigaw ng Nurse habang tulak tulak ang pasyenteng nakahiga sa stroller. Nagiiyakan ang mga kaanak siguro ng pasyente. Napansin kong tinititigan ako ng groupmate ng Men In Black wariy sinusuri. Bigla akong pinagpawisan. Nang malapit na sa akin ang akay akay ng mga Nurse, bigla akong humawak sa gilid ng kama at nagkunwaring umiiyak.
“ Itay, huwag nyo po kaming iiwan parang awa nyo na. Huhuhu.”
Napahinto sa pag iyak ang kaanak at nalilitong tumingin sa akin. Napayuko na lamang ako at pinagpatuloy ang pag iyak. Nang nakarating na sa emergency room, dali dali akong umalis. Napakunot ang noo ko. Wala na ang mga tauhan ni Don Hermano? Napangisi ko. Napakaswerte ko pa rin pala.