"Ma, nandiyan na po si Papa! Alis na po kami." Masiglang paalam sa akin ni Seb at nagkukumahog pang lumabas ng bahay para salubungin ang Papa nya. "Mag-ingat ka Seb at ang mga bilin ko sayo. Huwag kang pasaway, huwag malikot at baka mawala ka sa pupuntahan ninyo." Pahabol kong bilin sa anak kung hindi na halos nakatulog kagabi sa sobrang excited sa pamamasyal kasama ang kanyang matagal ng hinahanap na ama. Mamasyal sila ngayon sa kasama na rin si Senyorita Selene. Mula ng malaman ng mga anak ko ang totoo ay madalas ng naririto sa bahay ang magkapatid na Sto. Domingo. Oo, tutol ako. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi hayaan na lamang silang kilalanin ang isat-isa. Sinong Ina ang hindi matutuwa kapag nakikitang galak na galak sa tuwa ang kanyang anak kapag nakikita ang Papa

