Agad ko namang pina upo si Ken.
Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok today? tanong ko sakanya.
"Wala, rest day namin." nakangiting sambit nito.
Weh? baka nag cut ka ng class ha. Kinurot ko siya sa may tagiliran. Napatawa naman ito sa ginawa ko.
"Oo, nga here my scheduled. Kinuha niya ang index card at inabot sa'kin. Kinuha ko naman kaagad ito. Nakita ko nga na nagsasabi siya ng totoo. At binalik ko na rin ito sakanya.
"Ano naniniwala ka na ba?" tanong nito sa'kin.
Oo, salamat sa pag dalaw. Kaso thirty minutes left na lang ang break namin may last subject pa ako.
"Ok, lang wait kita rito." wika nito at biglang hinawakan ang kanan kong kamay.
Ok! sabi mo. Mabilis kong tinapos ang pag kain ko at sinitsitan si Joylyn. Tara na. Agad naman itong tumalima.
"Sige, tara na. Bye Ken, nice meeting you."
Bye. Ken.
Mabigat ang mga hakbang ko, dahil ayaw kong iwan si Ken pero hindi pwede dahil my last subjects pa ako.
Pumasok ako sa room 202. Trigonometry subject ni Bb. Marimar. Ang ganda ng name pero kabaliktaran ng personality nito. Masyadong strict si ma'am at mahirap hirap ang subjects nya.
Haixt! nako wala na naman si Joylyn, sa ibang class kasi ito pag math time. Nandoon siya sa crush niyang si Mark, balita ko matalino sa math ito.
Umupo na ako sa may bandang gitna. Nang biglang pumasok na si ma'am. "Good morning ma'am Marimar" bati naming lahat. Nag tawanan naman kami ng may narinig kaming echo na awwwww!
Galing to kay Jay, ang malokong classmates ko. Sa inis ni ma'am pinalabas niya ito. Ganyan siya ka strict at lahat kami takot rito, maliban kay Jay. Pasaway kasi talaga 'to.
Anak kasi siya ni ma'am kaya baka naiilang siya dito. Matalino naman si Jay kaso talagang pilyo kung minsan.
Naupo na kami at nag simula ng mag discuss si maam. Nag sulat ulit ako ng important notes, mahirap kasi ang trigonomety. Maya-maya naiisip ko na naman si Ken na naiwan sa labas.
Ano kaya ang ginagawa nito. Hindi ako mapakali at halos 'di ko na rin na gets ang lesson ni ma'am dahil ang atensyon ko ay na kay Ken. Speaking Ken, nasa labas siya sa tapat ng room mo. Nakaway, anong ginagawa niya rito. Baka makita siya ni ma'am at mapagalitan pa ito.
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at nag text dito. Nakita ko naman kinuha nya ang cellphone sa bulsa at binasa ang message ko. Nag wave lang ito sa'kin at naglakad papalayo.
Napansin naman ni ma'am ang pag wave ko.
"Yes, Ms. Andrade, do you have any question?" she ask me.
N-nothing ma'am, sambit ko.
"How about the others, do you have a question, before I'll dismissed you today." wika ni ma'am.
"No, ma'am." my classmates replied.
"All, right. Goodbye class."
"Good bye ma'am." sabi naming lahat.
Pagkalabas pa lang ni ma'am ay nagmamadali akong nag-ayos ng gamit ko. Excited akong makita si Ken. Sinukbit ko na ang shoulder bag ko at lumabas ng room. Naglakad lakad ako at pumunta ako ng waiting shed. Nakita ko naman si Ken, na may kausap na ibang babae. Napataas ang kilay ko at akmang tatalikod na ako, bigla naman tinawag ako nito..
"Yen, tawag ni Ken."
"Please, excuse miss Ann, may girlfriend is here." sambit ni Ken.
Ano, daw? tama pag kakarinig ko girlfriend. Kinikilig akong impit.
Lumapit naman ito sa'kin. "Kanina ka pa ba?" tanong nito.
Hindi naman, kararating ko lang kaso mukhang busy ka naman.
"Nagseselos ka ba?", tanong nito.
Hmmm! why should I. At anong pinagsasabi mo kanina ha, narinig ko 'yon.
"Alin ba don? 'yong girlfriend? bakit 'di ba, babaeng kaibigan."natatawang sambit nito.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ah! ok. Tara na nga, dami mong alam. Bigla naman ako nitong inakbayan. Kinurot mo siya sa mag tagiliran, tumawa na naman ulit ito.
Naglakad kami ng magkasabay. Maya-maya pa inalis ko ang kamay ni Ken, dahil nakita ko ang kotse ni dad. Bumaba si daddy at sinalubong kami. Nagtataka man ito bakit kami magkasama at nakatingin ito sa bulaklak na hawak ko.
"Friends lang muna." wika ni dad.
"Yes po tito, frindly gift lang po 'yan." wika ni Ken, ako naman ang natawa sa itsura nitong 'di maipinta.
"Mabuti naman na nagkaka unawaan tayo." dagdag na sambit ni dad.
Dad, sambit ko. Kasi kanina pa niya ini interrogate si Ken, bakas naman sa mukha nito ang kaba.
"What?" tanong ni dad.
P-pwede po bang dumaan muna tayo sa amusement park daddy, please! wika ko sabay pa cute rito.
Nakita ko namang nag-iisip si dad sabay sabing "sige, pero saglit lang kayo, baka hanapin rin tayo ng mommy mo. Alam 'nong susunduin lamang kita.
Yes, po dad.
Agad naman na kaming naglakad at binuksan ni Ken ang pinto ng back seat, para paunahin akong sumakay rito at sumunod din naman siya kaagad.
"Okay na kayo diyan?" tanong ni dad. Mabilis naman ang pag sagot ni Ken.
"Yes, po tito." wika nito.
Agad naman nag drive si daddy at palabas na kami ng school. Mga two hours ang byahe papunta rito. Nakita ko namang nag suot ng earphone si Ken at nilagay ang isa naman sa'kin.
"Ayan, makinig muna tayo ng music para 'di ka mabagot sa byahe." sambit nito, habang sinasabayan pa ang lyrics ng kanta.
Nalibang naman ako sa pakikinig ng music at 'di ko namalayan na malapit na pala ako. Effective ang sinabi ni Ken. Hindi maiwasang pag masdan ko ito. Gwapo si Ken, pero mahiyain nga lang at suplado sa ibang tao.
"Nandito na tayo." nakangiting sabi ni dad saamin.
Agad naman kaming nag uunahan ni Ken lumabas ng kotse. Sa pagmamadali bigla nauntog si Ken, tawang tawa ako at sinamaan naman niya ako ng tingin. Bigla akong natahimik. Nang napansin niyang 'di ako naimik.
"Bakit?" tanong nito.
Galit ka 'e, sorry 'di na ako tatawa.
"Hindi naman ako galit, masakit kasi 'yong bukol ko." wika nito. Naalarma naman ako at nang makita kong may bukol nga siya bigla naman akong naawa para rito. Kumuha naman ako ng cold compress sa pouch ko. At nilagay ko sa ulo niya na may bukol.
"Bakit kasi kayo nag uunahan." tanong ni daddy.
Hindi naman po daddy, na excite lang kami.
"Oh, siya sige bilisan niyo na at kanina pa natawag ang mommy mo. Pasusunurin ko na lamang siya rito." wika ni daddy.
Ok, po dad. Tara na Ken, yaya ko rito.
Nauna naman itong bumaba at inalalayan ako sa pag labas.
Naglakad kami ng sabay at namangha kami sa mga nakita namin. Sobrang ganda niya na sa labas lalo pa sa loob. Pina pose ako ni Ken sa may gilid ng mga halaman, at kinuhaan niya ako. Naka ilang kuha siya ng litrato sa'kin, nilibot naming magkasama ang park.
Madami rin kaming nakitang mga rides tinuro ko kay Ken ang ferris wheel, bigla naman itong napa atras.
Bakit, Ken? tanong ko rito.
"W-wala lang, sa iba na lang tayo sumakay." wika nito.
Niyaya naman niya ako sa may carousel at bumili siya ng ticket for two.
Akala ko ba ayaw mo sumakay diyan, pang aasar ko rito.
"Noon 'yon, nakaka enjoy naman pala sumakay sa mga ganyan." wika nito, sabay hila ng kamay ko at pumasok na kami sa loob. Ang saya ko sobra dahil kasama ko si Ken na sumakay dito. Medyo malaking kabayo ang pinili niya para dalawa kaming sasakay. Nakaka kilig kong iisipin.
Nagsimula ng umandar ito at dahan dahan umikot at nag taas at baba naman ito. Napa kapit naman ako sa likod ni Ken sa takot na ako'y mahulog.
"Kapit ka lang ng mahigpit, 'di naman kita bibitawan." wika nito na nakangiti.
Nakita mo nag-enjoy ko ang bawat ikot nito, nakakahilo man kunti pero masayang masaya ako.