YEN Isang taon nang nakakalipas pero masakit pa rin ang nangyari, dama ko pa rin sa puso ko ang pait at lungkot. Mga katanungang pilit na umuukil sa isipan ko, mga tanong na hindi man lang nabigyan nang pagkakataon na magkaroon ng kasagutan. Ang sakit lang dahil pinasaya lang pala ako at iiwan rin. Bakit ganoon kapait at kasadlak ang tadhana para saaming dalawa ni Kennedy. Minsan iniisip ko na lang sana hindi ko na lang siya hinanap pa, siguro hindi ganto na sobra akong nasaktan sa paglayo niya. Alam niyo iyong masakit na okay kayo tapos biglang iiwan ka nang hindi man lang nagpaalam sayo at ang masakit pa unfriend ka na sa ebook kaya blinocked ko na siya para tuluyan ko nang makalimutan. Isa pa sa ikinasasama ko ng loob nag debut ako pero hindi man lang siya nagpakita, nangako siya na s

