Luna "Ipinatawag niyo raw po..." I stopped midway nang makita ang mga taong kasalo nina Mama at Papa sa lamesa na punong-puno ng pagkain. Nagtataka ang mga matang pinagmasdan ko ang isang matandang lalaki na may singkit na mga mata, puti na ang mga buhok nito at halata na ang katandaan, gan'on din ang hinuha ko'y kaedad ko lang na lalaking malapad ang ngiti sa akin. "W-Who are they, Ma, Pa?" I asked, still confused. Tumayo ako sa gilid ng aking ama nang hindi pinuputol ang titig sa dalawang nasa harapan namin ngayon. "Ah... a-anak, this is Mr. Gion Wang..." bumaling si Mama roon sa matanda. Ngumiti ito sa akin at bahagyang yumuko. "...this one here i-is Jason Wang," sabi pa ni Mama. Hindi ko alam pero sa paraan ng titig ng dalawa ay nanindig ang balahibo ko. A memory suddenly ca

