Luna's PoV It was a peaceful afternoon for the both of us. After a million times of trying to convince Nicolo ay napilit ko rin siyang mag-beach, but not a public beach of course. Nakalabas naman kami kahit papaano sa HQ. Iyon nga lang, bantay sarado pa rin. Mabuti na iyon, at least kahit paano ay nakalanghap ulit ako ng sariwang hangin. Palubog na ang araw pero ayaw ko pang umahon sa tubig. Kahit sabihin niya pang may pool naman sa HQ, iba pa rin yung tubig dagat talaga. Mas na-eenjoy ko ang ganitong klase ng pagligo dahil pakiramdam ko, mas malaya ako. "What time is it?" Tanong ko ng hindi siya nilingon Napansin kong nakatitig lamang siya sa akin. Seryoso ang mga mata at tila ba inaaral niya ang bawat parte ng aking mukha. "Hindi ko alam ang eksaktong oras, but I think it's alrea

