Chapter 7

3403 Words
Sam's POV Hindi ko siya pinansin, sa halip ay mas binilisan ko pa ang lakad ko huwag lang niya akong maabutan. Pero sino bang niloloko ko? Sa haba ng mga binti niya, sigurado naman talagang mahahabol niya ako, lalo pa kung gusto niya. "Sam let's talk." Sinabayan niya ako sa paglakad pero hindi ko siya tinignan man lang. Ayoko siyang kausapin, ayoko. At magmamatigas ako hangga't kaya ko. "Samantha, don't be stubborn. Let's talk." He sounds so helpless. Tumigil ako kaya natigil din siya. I let out a huge sigh, "Ayoko, wala tayong dapat pag-usapan Sean, tigilan mo ako pwede ba?" Inirapan ko siya bago nagpatuloy muli sa paglalakad. Hindi na baleng marating ko ang dulo ng Bel-Air, huwag lang talaga kaming mag-usap. "Saan kaba pupunta, gabi na, halika na bumalik tayo at mag-usap." Hinawakan niya ang braso ko at sa iritasyon ko ay mabilis ko iyong hinawi. Nagulat siya sa ginawa ko. "Samantha pwede bang makinig ka muna? You are not making any sense with this kaya makinig ka muna." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito kaya naman hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "I don't make sense? Ako na nga itong umiiwas diba? I am trying my best na iwasan ka kasi naiinis na ako sa walang kwenta mong ugali. Tapos ngayon ako pa ang walang sense?" "That's not what I mean!" "And I fvckin' don't care whatever you mean! Bakit ba? Ano bang sasabihin mo? Mag-sosorry ka ba sa ginawa mo noong Sabado? Kase pinagpalit mo ang bestfriend mo sa girlfriend mong 'yon?" I laughed sarcastically. "You don't have to explain, kasi alam ko namang babaero ka, hindi ko lang inexpect na ipagpapalit mo ako sa babae mo. Anyway it's okay. Kung seryoso kana sa kaniya then that's good right? Atleast may makakapagpatino na sayo. And that also  means I will also have to stay away from you so don't make it complicated and just stay away from me too." Dumilim ang kaniyang mga mata pagkatapos ng sinabi ko.  "No, you won't stay away from me." Hinawakan niya ang braso ko at pilit akong hinila patungo sa kaniya. "Ano ba!" "Hindi ako papayag na lalayo ka sa akin, naiintindihan mo? And  hell, you can't just tell me to leave you alone! I literally made my car fly earlier just to reach your house because I am so damn worried about you! I was calling you for I don't how many times but you're not answering your goddamn phone! Samantha, this is not just about what I fvcking did last Saturday! Not even about the girls I dated, not even about Nicaseane! This is about you! I will completely lose my fvcking mind if you just disappear like that again! I will fvcking lose it Samantha!" "What? What are you saying?" Naguguluhan kong tanong. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Paano niya ikababaliw kung mawala man ako ng ganoon? I'm not his responsibility! Tuluyan niya akong nadala sa mga bisig niya at ikinulong doon. Halos marinig ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Lalo akong naguluhan.  "I'm sorry..for everything that happened, sa lahat ng kagaguhang ginawa ko, sa lahat-lahat." He breathed near my ear. "I said I don't need an apology." Matigas ko pa ring sinabi. I tried to remove his arms all over me but he's hard as rock, I can't even move him. He sighed, "You scared me. Wag kang aalis ng school ng hindi ko alam. God, Samantha, you'll be the death of me." I shivered when I felt him kissing my hair. Lalo akong nagpursiging itulak siya pero sa bawat galaw ko ay lalo lang niya akong ikinukulong. "A-Ano bang ginagawa mo Sean?" "I broke up with Nicaseane," Natigilan ako.  "What? W-why?" Hindi ko alam kung bakit may saya akong naramdaman, hindi ko alam kung bakit tila ako nabunutan ng tinik sa sinabi niya. I was guilty that Sean is playing with her feelings but here I am happy that he broke her. What's happening to me? "Hindi ba sinabi ko naman sa'yo? It's my plan to break her because of what she did to you. It's just you who still don't get it until now." he said. I felt him sniffing through my hair. Naestatwa ako. I bit my lower lip just to keep myself sane. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Sean at bakit ganito siya ngayon at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit walang kasing bilis ang t***k ng puso ko.  "I don't know what you're talking about. Please let me go." Pagmamatigas ko. "Hindi kami nag-date gaya ng sinabi ni Dylan. I wanted to talk to you but you won't even let me see you so I got more determined to end my relationship with her. If I'm gonna lose you because of my stupid games then I'm gonna stop right away. Pinuntahan ko siya para makipag-break." Oh God please telling me these things. Anong pakialam ko? Bakit ako nanginginig? Bakit ang saya-saya ko? Why the f**k am I feeling this way? "That's my last game Samantha, I don't want you to get mad at me anymore." Nanlaki ang mga mata ko, buong lakas ko siyang itinulak ngayon para makita ang kaniyang mukha. He stepped back a bit. "What are you implying? Hindi ako nagagalit dahil doon. That's the Sean that we know kaya bakit ako magagalit? At ano ba, bitiwan mo na ako." Hinawi ko ang kaniyang kamay. "Akala ko ba last game mo na? Bakit pakiramdam ko ako ang target mo ngayon?" He has never gotten this close to me, ngayon lang at bakit? He only stared me, sa aking mukha, sa aking mga mata pababa sa aking labi. He looks so attracted. Kinilabutan ako at unti-unting umatras. He chuckled when he noticed my attempt to keep my distance, he pulled me to his chest so he can hug me again. Naramdaman kong lumapat ang kaniyang mga labi sa aking leeg. "This is not a game Samantha, you are not one of the girls I'm gonna play with." Kinilabutan ako nang maramdaman ang panaka-nakang paghalik nito sa leeg ko. I've never been kissed anywhere and he knows where are the parts that I get tickled the most so why is he attacking my neck? Gamit ang natitira pang rasyonal na pag-iisip ay sinubukan ko ulit itulak siya. "Whatever it is, tigilan mo ang ginagawa mo sa leeg ko--Sean! What the fvck are you doing?!" Hinampas ko ito sa balikat nang maramdaman kong kinakagat na nito ang leeg ko.  "S-Sean.."  "Stay still baby.." he murmured as he lick and suck on my neck. Nanginig ang mga tuhod ko at kung hindi lang niya hawak ang baywang ko ay baka napaluhod na ako sa panghihina sa ginagawa niya. He kissed my neck one last time before he glanced on my face. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko. He smirked when he saw my reaction. Mabilis niya akong pinatakan ng halik sa aking noo. "Sorry baby but I have to mark my territory."  And I think I just died when he said that. * "So..what happened?" Puno ng excitement na tanong ni Kim nang maiwan kaming tatlo sa kwarto matapos akong ibalik ni Sean. Sa mga tingin niyang makahulugan ay alam ko na agad ang nasa isip niya. "Nag-sorry lang siya Kim." Sinikap kong huwag ipahalata ang kabang nararamdaman ko pa rin ngayon dahil sa mga pinaggagawa ni Sean kanina. I still can't believe what he did to me at hindi man lang ako nanlaban? "I'm just curious.." ngumuso ito pero nang tumama ang mga mata sa leeg ko ay namula ito. She covered her mouth in surprise and I immediately what she saw. Agad kong tinakpan ang bibig niya. "It's nothing.." natatarantang paliwanag ko bago napatingin kay Armie na ngayon ay nanlalaki na rin ang mga mata dahil sa nakita. "Oh my! Is that a hickey? Oh my gosh, where did you get that?" Nagtitili na ito kaya naman wala na akong nagawa kundi pakawalan na rin si Kim. She bit her lips to suppress her giggles while looking at me. I sighed and gave up. Umupo ako sa kama at pinanood silang dalawa na magtatalon sa excitement. Sa ingay nila ay hindi na ako nagulat nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang tatlong lalaking nagtataka kung ano ba ang nangyayari. "Anong nangyari, bakit para kayong mga binudburan ng asin?" Nagdiretso si Dylan sa kama ni Armie at doon na naupo. Tinignan niya kami isa-isa at agad akong naalarma na baka makita niya ang nasa leeg ko. Patay-malisya ko iyong tinakpan ng buhok ko. fuck Sean, ihanda mo ang sarili mo kapag sinuntok ka nitong pinsan ko. Walang nagsalita sa dalawang babae kaya sa akin bumaling ang pinsan ko. "Anong meron?" Pinagtaasan ako nito ng kilay. "Girls talk ito Dylan, you're out of this." He shrugged, "If you say so. Huwag kayo masyadong sumigaw at nagugulat kami sa inyo." Tumayo na ito at nagpatiunang lumabas. Sumunod sa kaniya Xian habang nanatili naman si Sean sa pintuan, nagtagal ng ilang segundo ang tingin nito sa akin kaya nag-iwas nalang ako ng tingin. Nang tuluyan na silang makaalis ay nagsimula nanaman si Kim at Armie. This time ay sinugod na nila ako sa kama ko at pinaghahampas ng unan. Kasasabi lang ni Dylan na huwag mag-ingay! "Hey hey stop it," I caught Kim and immediately locked her hands. "Sabi ko na nga ba, hindi magtatagal ay magkakatuluyan din kayo!" Saka pa ito humalakhak na para talagang baliw. "At any rate, you're the only girl I want for my cousin. You two really look good together." Armie smiled at me, tumigil ito ng kusa sa panghahampas ng unan at kalmado na lamang na umupo. I rolled my eyes. Ni hindi ko alam kung anong mayroon kami. Basta niya nalang akong pinaghahalikan kaya paano ko malalaman? I don't want to assume, but the way he sucked on my neck? f**k, hindi iyon gawain ng magkaibigan. "Hindi nga sabi kami, where is that idea coming from?" "Hindi daw pero may hickey ka? And you can't lie to us Sammy, iba na ang aura ninyong dalawa pagbalik niyo." Kinikilig na sinabi ni Kim. Napangiwi ako sa kaniya. Kung makapagsalita akala mo talaga maalam sa mga ganitong bagay. She's the most innocent in our circle! "My cousin likes you, I'm sure of that.." Armie grinned at me. "Ugh, girls let's just forget about it okay? Sumasakit na ang ulo ko sa katatanong niyo." Nagtawanan lang ang dalawa, wala na akong nagawa kundi ang matawa nalang din. It's crazy! Hindi malinaw sa akin ang nangyayari o ang kahit anong posibleng mangyari. But one thing's for sure, I definitely feel something towards him. Something he made me realize earlier.  Ngayon alam ko na kung bakit sobrang kumukulo ang dugo ko sa kanila ni Nicaseane these past few days, isang bagay na hindi ko maamin sa sarili ko. I'm so stupid for feeling this way when all along, I've been denying it to myself and to the people around us. And what about Sean? What does he feel for me? Does he feel the same way? Kailan pa? "Let's go swimming." Nagyaya bigla si Armie. Nagulat pa kami ni Kim dahil nakasuot na pala ito ng two piece sa ilalim ng kaniyang bestida. Bahagya niyang inangat ang dress sa harapan namin para ipakitang prepared siya sa night swimming. Halos manlaki ang mga mata ko. She's got the curves! Her body looks so mature at alam kong sanay rin siya sa pagpapakita ng balat.  "This sexy b***h," I murmured.  "What?" Natawa ito nang makitang nakatitig lang kami sa kaniya. "Go change your clothes now, I want to swim!" Napailing nalang kaming dalawa ni Kim bago nag-desisyong magpalit. Kinuha ko ang inihandang black one piece suit mula sa bag. Tuwing may overnight kami rito ay hindi naman talaga nawawala ang night swimming sa malaki nilang swimming pool. At syempre ay hindi rin nawawala ang inuman ng boys. But tonight is different I guess, may nagbago sa pagitan namin ni Sean. Nauna akong nagpalit sa banyo at pagkatapos ay si Kim. Nauna nang lumabas si Armie dahil kakausapin daw niya si Xian kaya hinintay ko nalang si Kim. Nang lumabas ito sa banyo ay hiyang-hiya pa ito. Tinignan ko siya. "Hindi ko kayang magsuot ng ganun, magagalit sila mommy." Ngumuso ito kaya naman natawa ako. She's wearing a yellow halter top and a short shorts. Sexy din naman si Kim, hindi nga lang siya showy. She's just like Armie but in a conservative way,lalo pa't ito ang pinaka-bata sa amin. "It's okay, keep it to yourself. If you're not comfortable, don't do it." I smiled at her. Isang oversized shirt ang ipinatong ko sa itim na swimsuit bago kami tuluyang bumaba ni Kim. Naabutan namin ang mga kaibigan na nagkakatuwaan na roon sa pool. Mayroon na ring lamesa roon kung nasaan ang mga pagkain at syempre ang alak. Pumito si Dylan nang makita kami, "These girls."  Nagtama ang mga mata namin ni Sean at kitang-kita ko agad kung paano bumaba ang mga mata niya sa legs kong naka-expose. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Lumapit ako sa lamesang naroon at naghubad na ng damit, hindi alintana ang maiinit na titig ni Sean na alam kong nagpapahiwatig ng disgusto. Ano naman? Matagal na akong nagsusuot ng ganito kapag swimming, ngayon pa siya magrereklamo? Nakita kong dumiretso na sa pool si Kim at pinuntahan si Armie. Didiretso na rin sana ako sa kanila nang napaigtad ako sa isang mainit na kamay na naramdaman sa aking baywang. Before I knew it, Sean already pulled me towards his body. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatingin sa mga kaibigan. I saw them all smirking at us, napatayo tuloy ako ng tuwid. "Sexy.." Sean murmured behind me. "--but I don't like it." "Huh?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "You can swim wearing shorts and t-shirt. Let's go back, change your clothes."  "What? Ang tagal ko nang nagsusuot ng ganito Sean--" "No buts," putol niya sa akin. I sighed and gave up. Noon pa man ay ayaw naman talaga ni Sean na nakikita akong magsuot ng ganito pero ang lagi kong sumbat sa kaniya ay wala siyang karapatan. But I guess he has now? Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na pabalik sa bahay. Nilingon ko pa ang pinsan ko nang marinig itong sinesermunan naman ngayon si Armie. I rolled my eyes. Kung sino pa ang mga playboy sila pa talaga itong ganito mag-react. "Ang bossy mo naman," bulong ko nang nakalayo na sa mga kaibigan. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang. "I really am. I already said, I'm territorial." Hindi ko nanaman napigilan ang mga mata ko sa pag-ikot. Nakarating kami sa kwarto. Akala ko ay maghihintay lang siya sa labas pero pumasok siya sa loob at mabilis na tinungo ang bag ko. Siya na mismo ang kumuha ng t-shirt at shorts na susuotin ko kaya naman pinanood ko nalang siya habang nakaupo sa kama.  Bakit ang bilis? He's now acting like my boyfriend, samantalang kanina lang ay nag-aaway pa kami. At bakit pumapayag akong ganito? Do I really like him? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Nang makapili siya ng damit ay lumapit siya agad sa akin. I watched him boredly, waiting for him to hand me my clothes. Nagulat nalang ako nang siya pa mismo ang nagsuot ng t-shirt sa akin. Halos hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko habang titig na titig sa kaniya na seryoso sa pagbibihis sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod ito sa harapan ko para naman maisuot sa akin ang shorts. Agad kong pinagdikit ang aking mga tuhod sa kahihiyan. "H-hey ako na.." Umiling ito, seryoso pa rin kahit nanginginig na yata ang mga tuhod ko. "Let me do this."  Marahan ang pag-angat niya sa aking mga paa para maisuot sa akin ang shorts. Pagkatapos ay hinawakan ang mga braso ko para maitayo ako. Hindi pa kailanman tumibok ng ganito kabilis ang puso ko sa ganitong dahilan, lalo na nang naramdaman ko nang inangat niya na ang shorts patungo sa akin baywang at isinara ang zipper nito. I was trembling with a different feeling while he was zipping it. Nakatingin lang ako sa mukha niya, his jaw clenching so hard. Ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko, naka-aircon sa kwarto pero naiinitan ako. "Don't stare at me like that Samantha, I am trying so hard not to lay you down on that bed." Nanlaki ang mga mata ko. Nautal ako sa paghahanap ng dapat sabihin. "K-kasi naman..kaya ko naman bakit ikaw--" That's when I felt his lips crash to mine. Mabilis na gumapang ang kamay nito sa batok ko para kabigin ako palapit. I was shocked and unmoving. Nakadilat ang mga mata ko habang hinahalikan ako nito. Hindi ako makapaniwala. I don't know how to respond because I haven't kissed anyone before. God, this is my first kiss! At kahit kailan hindi ko naisip na mapupunta ito kay Sean! Sa bestfriend ko! Nang naramdamang hindi ko alam ang gagawin ay tumigil ito. A familiar smile appeared on his lips. "First timer, do you want me to teach you?" I bit my lower lip, "W-What are you.." I couldn't even finish what I'm saying. I'm so embarassed. E ano ngayon kung hindi ako marunong humalik? Edi wag niya akong halikan! He resulted in a freakin' sexy laugh that made me glare at him.  "Ang tagal na kitang gustong turuan humalik."  Hinapit ako nitong muli, "I'm so damn willing to teach you." He smiled, showing me his dimple. Oh no, don't do this to me. Bakit ang gwapo niya? Ano bang nangyayari sa akin? "Kung tititigan mo ako ng ganiyan magdamag, hindi ko maipapangakong hindi kita ihihiga sa kamang nasa likod mo." Wala na yata akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. All I can see is his lips. Ang lambot ng labi niya, salungat sa pagiging nakakatakot at matipuno niyang lalaki. Why I suddenly feel attracted to him right now is beyond me. Noon pa man hinahangaan ko na ang physical appearance niya pero alam kong normal iyon dahil talaga namang gwapo siya. But the way I see him right now, it's different, I don't think this is just the same way how I appreciate his looks before. Is it really true? Do I really like him? At bakit ngayon ko lang ito nararamdaman? Is it because he initiated something between us earlier? Is it because he broke the barrier I've been trying not to cross? Ganoon ba? Matagal ko naba talaga siyang gusto at hindi ko lang 'yon maamin sa sarili ko? At nang nagkaroon ng threat na si Nicaseane ay doon lang ako natauhan? Oh my God this is crazy. Something soft brought me back to reality. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nakahiga na ako sa kama, at siya ay nasa ibabaw ko na. Agad akong nag-panic. "S-sean.." "Sshh.. I'm not going to do that to you. But damn, let me just kiss you." Napalunok ako. I don't know what to say. Nabibilisan ako sa mga nangyayari sa pagitan namin at nalilito. He stared at me. Pakiramdam ko ay nabasa niya ang nasa isip ko nang hinaplos nito ang aking pisngi. "I know you're new to this, so I will wait for you to get used to it. I respect you so damn much Samantha, don't be scared. Ang tagal kong hinintay na mahawakan ka nang ganito at hindi kita kayang basagin. Now let me just kiss you."  Napapikit ako nang muling lumapat ang kaniyang mga labi sa akin. Even when I'm new to this, I know and I can feel hos passionate his kisses are. Maybe he's right? Masasanay din ako, na ganito na siya sa akin, at magiging ganito na rin ako sa kaniya? Maybe I really like him since then, I just couldn't admit it. Kaya ngayong nauna na siyang lumagpas sa linya ng pagkakaibigan namin ay matapang na rin akong sumunod. I closed my eyes and knotted my fingers on his hair. I am a first timer but I think I will easily learn from him. I studied his language and learned enough how to do it. I felt him smile in between the kisses. "Damn baby," he paused. "Such a fast learner," he murmured before he resumed. I smiled and kissed him back. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD