Chapter 3

1047 Words
Sam's POV "Oh my God, Karl!" Lalapitan ko na sana siya nang nahawakan ni Sean ang braso ko. He pulled me near him. "Sean let me go!" Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin na animo'y galit na galit. What the hell? "Pare nasasaktan si Samantha." Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakakatayo pa naman ito. Akala ko ay nawalan na ito ng malay. This is not the first time that Sean punched someone because of me. Pero ngayon ay wala namang ginagawang masama si Karl kaya naiirita ako. "Bitiwan mo ako Sean, ano ba!" Sa halip na sundin ang sinabi ko ay hinila niya ako palayo. I immediately knew he's gonna drag me to his car kaya nagpatuloy ako sa pagpupumiglas. Nakita kong humabol sa amin si Karl at nang maabutan niya kami ay hinawakan niya kaagad ang kabilang braso ko. Hindi pa rin ako binitiwan ni Sean kaya naman dalawa silang nakahawak ngayon sa magkabilang braso ko.  "Let her go," mariin nitong sabi kay Karl. "No, you let her go. Ako ang kasama niya. I don't even know you." Matapang ring ganti ni Karl. Sean's jaw tightened at kinakabahan na agad ako. I don't want the two of them hurting each other dahil pareho ko silang kaibigan. At alam kong lamang na lamang si Sean dahil sanay na sanay itong makipagbasag-ulo. "Guys just.. just let me go. Nasasaktan na ako." "Who's this guy Samantha? Boyfriend mo ba ito? Sinaktan kaba?" I looked at Karl helplessly, sa mga ganitong pagkakataon alam kong hindi magpapatalo si Sean. He's always the last man standing in a fight, he's hardheaded. At ayaw kong masaktan si Karl, this is the first time we met since ages, ayaw kong ganito. "Karl please?" I shot him an apologetic look. Matagal niya pa muna akong tinitigan at lubos ang pasasalamat ko nang sa huli ay binitiwan niya rin naman ako. Sean pulled me to his chest. "You don't have to drag her like that, nasasaktan siya.." Bumaba ang tingin ni Karl sa wrist ko na hawak ni Sean. Hindi nagpatinag si Sean pero naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa akin. I sighed, "I'm sorry Karl, I'll see you around.." Sabi ko bago ako tuluyang hinila ni Sean palayo roon. Pinilit ko siyang lingunin habang hawak ni Sean ang kamay ko. Kita ko pa ang sugat sa gilid ng kaniyang labi dahil sa suntok ni Sean. I suddenly feel bad. Ngayon nalang kami ulit nagkita tapos ganito pa ang nangyari. Muling umusbong ang iritasyon ko.  Binuksan ni Sean ang pinto ng BMW pero nagmatigas ako at hindi sumakay. "Samantha, just get in.." Binawi ko ang braso ko at nagtagumpay naman ako ngayon. I glared at him. "Ang kapal ng mukha mo? Iniwan mo ako ng walang sinasabi tapos ngayong may kasama ako susuntukin mo ang kaibigan ko? Ikaw pa ang galit?" He sighed, he looks so pissed, lalo lang din tuloy akong nairita. "I'm not coming with you, kaya kong umuwi mag-isa. Doon ka sa girlfriend mo, magsama kayong dalawa!" Sigaw ko at mabilis siyang tinalikuran. Kaya lang hindi pa man ako nakalalayo ay hinablot niya na muli ang braso ko, "Where the hell are you going?" Umirap ako, "Wala kang pakialam!" Sinubukan ko ulit siyang talikuran pero hinila niya ako nang tuluyan. "Ano ba!" I jerked his hand away, hindi siya natinag. "Saan ka pupunta? Uuwi ka mag-isa?" "Wala kang pakialam!"  "Don't be stubborn Sam, let's go, uuwi na tayo." Hinila ko ang kamay ko at itinulak siya palayo sa akin. Ni hindi siya natinag kaya lalo ko iyong ikinainis. "I'm not stubborn you fvcking asshole. Kaya kong umuwi mag-isa! Bakit ba pinoproblema mo ako? Bumalik ka nalang dun sa girlfriend mo, kiss all day, go to bed all day, go fvck each other all day, I don't give a damn!" I bet my face is as red as a tomato. I'm fvcking pissed. He shut his eyes tightly. Nang dumilat siya ay nangungusap na ang kaniyang mga mata. "I'm sorry okay? Magpapaliwanag ako pero sumakay ka muna sa kotse ko." Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Sorry? Guguluhin mo ako sa bahay at dadalhin sa mall tapos iiwan ng walang kahit anong explanation? Hindi ako ang palaging iintindi sayo okay? Kahapon pinaghintay mo ako ng matagal tapos ganito naman ngayon? Mananapak ka ng kaibigan ko tapos kakaladkarin ako pauwi na parang walang nangyari? Fvck you Sean, fvck you and that girl, go to bed and fvck each other! Huwag na huwag mo na akong lalapitan ulit, naiintindihan mo? Magkasama kayo ng babae mo!" He looks so stunned at what I said, sinamantala ko iyon para tumakbo na palayo. Malakas ang t***k ng puso ko dahil sa galit na nararamdaman. I know it's so petty, I've never felt this way with the girls he used to date, madalas pa nga ay wala naman akong pakialam. But the way I see it, Nicaseane is different, nakikita ko iyon, nakikita kong iba ang pakikitungo ni Sean sa kaniya. Ang galit na nararamdaman ko ay hindi ko maipaliwanag. I know the time will come and he will fall for a woman and I will have to set him free. Dahil hindi pwedeng ganito kami habang-buhay. He will find another girl that he will try to keep forever at hindi ako iyon dahil kaibigan niya lang ako. Akala ko handa ako sa bagay na iyon but the way I see it, mahirap pala, mahirap pala dahil buong buhay ko ay kami lang namang dalawa. Maybe I should try living independently, maybe I should start avoiding him. Ayaw kong maiwan mag-isa sa huli kaya mas mabuti sigurong ako na ang mang-iwan ngayon? I wiped the stupid tears glinting in the corners of my eyes. Why are you crying Samantha? Dire-diretso ako sa paglalakad at natigilan lang nang makita ko ang isang bultong nakatayo di kalayuan sa akin. He's standing right after an Aston Martin and he's looking fiercely at my direction. Bumaba ang mga mata ko sa kaniyang kamay at halos hindi ako nakagalaw nang nakita ang baril na sinubukan niyang itago sa hood ng kaniyang jacket. Napalunok ako at napaatras. Walang ibang tao sa parking lot, is he looking at me? And why is he holding a gun? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD