(He cares for her) ILANG PATAK ng halik ang iniwan ni Justice bago ito tuluyang umalis ng kanilang bahay. Pagod na pagod si Liberty samantalang hindi man lang yata nakaramdam ng kahit kaunting pagod ang lalaki. Kung hindi pa niya ito tinakot na hindi na siya makikipagkitang muli ay hindi pa ito magmamadaling kumilos upang umalis. Kesyo ayaw daw siya nitong iwan nang ganoon ang kondisyon niya. Ano pa ba i-expect niya? Kung ilang beses ba naman akong inangkin eh. Halos hindi kasi siya tinigilan nito hangga’t may natitira pang lakas sa kanyang katawan. Oo nga pala. Dapat hinatid ko man lang si Justice hanggang gate. Hindi niya iyon maisasara. Dahan-dahan siyang bumangon. Napangiti siya nang maalalang binihisan siya ng lalaki. Para siyang babasaging pinggan dahil sa masuyo at maingat nito

