KABANATA 9

1161 Words
(Always with you) MAINGAT SIYANG ibinaba ni Justice sa upuan. Inayos din nito ang pagkakabalot ng kumot sa kanyang katawan saka nilagyan ng pagkain ang plato na nasa harap niya. “You can cook?” tanong niya. He’s one of a hot guy kaya hindi siya makapaniwala kung ito nga mismo ang na nagluto ng umuusok na soup sa harapan niya. “Yeah. Ang swerte ko nga kasi may ingredients pa ako sa ref. Tikman mo, it’s my own version of beef soup.” “Thank you,” aniya saka dinampot ang kutsara upang tikman ang sabaw. “Hmmn, ang sarap! Hindi ko akalain na marunong ka pala magluto.” “Natuto lang ako nang mag-aral ako ng college. Hindi ako sanay na palaging bumibili ng pagkain sa labas kaya nag-aral ako. Mabilis lang naman matuto kapag gusto mo talagang matutuhan.” Mariin siya nitong tinitigan habang nagsasalita. Biglang bumalik sa alaala niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kani-kanina lang. Sinikap niyang ituon ang pansin sa pagkain. Hindi pa rin malaman kung papaano haharapin ang laki matapos ang mainit na sandali na pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang tinatakbo ng isipan nito lalo pa at walang kahirap-hirap na isinuko niya ang sarili sa lalaki. Hindi man lang siya tumutol o nanlaban. “Are you okay?” Napalunok siya ng mariin nang marinig muli ang malabing nitong boses. “Hindi mo ba gusto ang niluto ko?” “Ah – hindi!” natataranta niyang sagot saka dali-daling hinigop ang sabaw kaya naging dahilan iyon upang matapon. “So-sorry.” Mabilis na tumayo ang lalaki at may kung anong kinuha. Pagbalik nito ay may dala ng basahan upang punasan ang natapong sabaw. “It’s okay. Ako na ang bahala, baka mapaso ka pa.” Pinagmasdan niya ito hanggang matapos sa ginagawa. Bakit ba kasi natataranta ako? Dahil ba sa takot na magmukha akong cheap sa paningin ni Justice? “Pasensiya na ulit. Hindi ko sinasadya.” Hindi siya makatingin ng diretso sa lalaki. Para siyang nakagawa ng malaking kasalanan. Bumalik si Justice sa upuan nito at kinuha ang dalawa niyang kamay. “May problema ba? Bakit parang ayaw mo akong tingnan?” Doon siya napalitang iangat ang mukha. “Dahil ba ito sa nangyari sa atin kanina? Nagsisisi ka na ba?” Umiling siya. “Alam kong ako ang unang lalaki sa buhay mo, Liberty kaya naiintindihan ko kung bakit bigla ka na lang nahiya sa akin.” Dinala nito ang kamay niya sa labi nito at ilang beses na masuyong hinagkan. “Natural lang naman iyon at aaminin ko sa iyo na napakasaya ko na ako ang una, Liberty. I may not be the guy you are looking for but as long as you want to be with me, I will always be with you too. It’s just that-“ “No strings attached,” dugtong niya. “Parang ganoon na nga. Hindi lang natin pwedeng gawing legal ang tungkol sa atin but we can continue what we’re doing. Okay lang ba sa iyo?” muli nitong hinagkan ang kamay niya. “I know it may sound awkward but-“ “It’s fine. Siguro nga malaking bagay sa akin na nawala ang virginity ko sa taong hindi ko karelasyon pero what if this our destiny?” “Thank you, Liberty. One day, I will tell you why I wanted to be just this way.” Punung-puno ng sensiridad ang mga mata nito, ibig sabihin na may kalakip na malalim na dahilan kung bakit ganoon na lang ang nais nito sa mga nakaka-date mula sa dating app. “So, kain na tayo? Alam kong gutom ka na.” Isang ngiti ang itinugon niya na ibinalik rin naman agad sa kanya ng lalaki. INAYOS NI LIBERTY ang sarili matapos nilang kumain. Tipid mang magkwento sila pareho ay ramdam niyang magkakasundo sila. First meeting, first date and first of everything niya si Justice. Kakatwa mang isipin ngunit pumayag sa set-up nilang dalawa. Wala silang relasyon but they can do like what a couple do. Handa siyang sumugal dahil pinanghahawakan niya ang sinabi nitong hindi ito bibitiw hangga’t hindi siya bibitiw. Wala namang masama sa ganoon. Hindi siya ipinanganak kahapon upang pagbawalan ang sarili na maging masaya. Kailangan niya ring maging maingat pagdating sa kanyang pamilya. Relihiyoso ang nakamulatan niyang pamilya na naniniwala sa sagradong pagpapakasal kung saan saka pa lamang ibibigay ng isang babae sa isang lalaki ang pinaka-iingatang pagkabirhen dahil iyon lang daw ang isang regalo na walang pwedeng ipalit para sa isang lalaki. Naintindihan niyang hindi naging isyu iyon pagdating sa kanyang kapatid dahil una, lalaki at pangalawa, handa naman na pakasalan ng kapatid niya ang nobya nitong si Angela. Kumbaga, hindi talo ang nobya nito unlike sa kanya na maaaring hindi pakasalan o gawing legal ang relasyo ay wala siyang magiging habol kahit pa ibinigay na niya ang bataan. Lumabas na siya ng silid ni Justice. Nasa pintuan ito at hinihintay siya. Alas nuwebe na ng gabi at inalok siya nitong ihatid nang magpaalam siya na uuwi na. May pupuntahan din ito kaya pumayag na rin siya. Hawak kamay silang bumaba patungo sa sasakyan nito. Kahit na nang makapasok na sila sa loob ay hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay. “You can always come here if you want. Madalas lang akong wala kapag weekends. So, sabihan mo lang ako na pupunta ka rito para agahan ko ang pag-uwi,” anito na nakangiti kahit ang mga mata ay nakatuon sa pagmamaneho. “Nasa bag mo na ang susi.” Susi? Mabilis niyang binuksan ang kanyang bag at agad niyang nakita ang susi na sinasabi ng lalaki. “Pwede ko namang ibigay ang passcode sa iyo. Just send me a message.” “Hindi na! O-okay na ang susi. Bubukas naman ang pinto ng unit mo gamit ang susi, hindi ba?” “Oo naman.” Lihim siyang napangiti. Katumbas ng susing iyon ay ang tiwala nito sa kanya kaya naman iingatan niya iyon. “Sa tabi na lang ako. Lalakarin ko na lang papasok sa amin,” aniya nang makarating na sila sa lugar na kanilang tinitirhan. “Sino ang kasama mong nakatira riyan?” “Ang parents ko at ang kapatid kong lalaki.” Tumangu-tango naman ito habang tinatanggal ang seatbelt niya. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga kaya naman malakas siyang napasinghap. “Kapag wala kang kasama sa bahay ninyo, sabihan mo lang ako para samahan ka.” Kung sa iba sigurong lalaki ay malalaswaan siya kung maririnig ang ganoon pero pagdating kay Justice pakiwari niya concern lang ito sa kanya. “Sige, salamat sa paghatid.” “Message mo ako ha? Or should I say mag-reply ka sa akin.” “Sure. Huwag ka ng bumaba para makapasok na ako agad sa amin.” Nang tumango ito ay lumabas na siya saka muling kumaway sa lalaki. Hinintay niya lang na kumaway din ito sa kanya bago tumalikod at naglakad patungo sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD