(A smile of reminiscing an unforgettable lovemaking) MASIGLANG sakay ng sariling sasakyan si Justice papunta ng Beauty and the Beast Building. Napapangiti siya habang inaalala ang mga nagdaang gabi na kasama si Liberty. Talagang sinulit niya ang mga sandali na nasa tabi niya ito. Pakiwari niya kasi hindi sila nagkita ng maraming taon. Kulang ang ilang araw na mapagmamasdan ang mukha nito sa paggising sa umaga at ilang gabi na kasama itong matulog matapos ang mainit na pagniniig. Tama si Lorcan. May kakaiba kay Liberty na wala sa ibang babaeng nakilala niya. Nakumpirma niya iyon nang umuwi siya sa unit niya mula sa tahanan ng pamilya ni Garette. Labis na dumagundong ang kanyang dibdib nang malamang tumawag ito sa kanya kaya naman kahit na nasa kalagitnaan ng inuman ay nagpaalam siya sa mg

