(Fulfillment) NAGING MABILIS ang pangyayari. Ang kanina na mahigpit na yakap ni Justice kay Liberty ay nauwi sa malalim na halikan. Halos mapugto ang kanyang hininga niya dahil sa uri ng pag-angkin nito sa kanyang mumunting labi. Naging matunog pa iyon nang tugunin niya. Tuluyan na siyang napapikit. May paghihirap siyang nararamdaman habang ninanamnam ang halik na iginagawad sa kanya ng lalaki. Nagmistulang reunion kiss ang pinagsasaluhan nilang dalawa. Ramdam niya ang pananabik nito, gayundin naman siya. “Where’s your room, babe?” mahinang tanong nito sa kanya. “Guide me,” dagdag pa na sabi nito. Muli nitong binalikan ang kanyang labi habang humahakbang sila patungo sa inookupa niyang silid. Nang makapasok ay agad nitong ni-lock ang door knob saka iginiya siya sa malambot na kama.

