KABANATA 35

1109 Words

(Imagination vs experience) NALULUNOD SA labis na kaligayahan si Liberty. Paano ba naman hindi siya magiging masaya? Eh, nagmistula siyang isang prinsesa sa mga bisig ni Justice. Gaano man kalaki ang pagitan ng edad nila ay mas nangibabaw ang pagiging isang tunay na lalaki nito. Pakiramdam niya ay isa siyang ginto na pinakaiingatan nito, in short mahalaga siya sa buhay nito… sa ngayon. “Kumain ka pa,” ani ni Justice kasabay ng paglagay ng pagkain sa plato niya. Nginitian niya lang ito saka tumango. Maituturing na isang dinner date ang inihanda ni Justice para sa kanilang dalawa. Hindi pa rin tumitigil ang musika na kanina pa pumapailanlang kaya lalong nakakaganang kumain na kasama ito. Kung sana ay hindi na matapos ang sandaling iyon. Kaya lang hindi talaga, hanggang ganoon lang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD