(Over protective) MASIGLANG binati si Justice ng mga magulang ni Liberty pati na rin ang maybahay ni Brix na si Angela. Hindi nakaligtas sa kanya ang malaking tiyan nito. Napangiti siya sa isiping ay munting angel sa loob ng tiyan ni Angela. Nakakatuwa sigurong isipin na magkaroon ng ganoon habang hawak sa mga bisig. “Uy, kanina ka pa riyan nakangiti. Anong mayroon?” untag sa kanya ni Braxton. “Iba na ba ang type mo ngayon, ha?” tukoy nit okay Angela. Iginiya sila paupo sa malaking sala. Hindi niya alam kung nasaan sina Liberty at Myron na nauna sa kanila kanina. Si Lorcan naman ay abala sa pakikipag-usap kay Brix at magulang nito. “Bakit titig na titig ka sa asawa ng kapatid ni Liberty?” muling tanong ni Braxton. “Naisip ko lang na masaya siguro ang pakiramdam na may isang maliit

