(A bestfriend for years) MATAPOS makapamili ni Liberty ay dumiretso siya sa Highlands. Ang dapat na ilang araw na lang na paghihintay sa pag-uwi ni Justice ay nasundan pa ng isang linggo. Nag-extend ang mga ito dahil may ilang idinagdag na lugar para sa photoshoot. Wala naman siyang reklamo tungkol doon dahil tila mabait na boyfriend si Justice nang ipaalam iyon sa kanya. Dahil feeling girlfriend siya, gusto niyang sorpresahin ang lalaki. Nagpaalam na rin siya sa kanyang mga magulang na hindi muna siya uuwi ng ilang araw. Mabuti na lang pumayag ang mga ito kahit pa hindi pa niya nasasabi ang kanyang dahilan. Mukhang masaya pa nga ang mga ito na umaalis siya ng kanilang bahay. Si Brix naman ay nawiwili sa bago nitong sasakyan kaya madalas din itong nasa bahay ng nobya nitong si Angela.

