(Her doubts) “YOU HAVE a wonderful family,” ani ni Justice habang naglalakad silang dalawa palabas ng bahay. Ilang minuto ring nagtagal ang lalaki matapos nilang mag-merienda. Masyadong naaliw ang pamilya niya kaya naman humaba pa ang kwentuhan. “Thank you at pasensiya na rin kasi kailangan mo pang bumili ng mamahaling sasakyan para lang mapatunayang magkaibigan talaga tayong dalawa.” “Hey, babe. Look at me, utos nito na ginawa naman niya agad. “Huwag mong isiping ginawa ko iyon upang mapagtakpan natin ang isang pagpapanggap. Ginawa ko iyon kasi alam kong mahalaga sa iyo ang pamilya mo. Alam kong hindi pa tayo matagal na magkakilala pero alam kong mabuti kang tao at gusto kong ipagpasalamat iyon. Sobrang natutuwa ako sa iyo at sa pamilya mo. Please, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.

