(A sweet temptress) NABIGLA man si Liberty ay hinayaan niya na lang si Justice na ituring siya nitong parang isang bata na kailangan pang subuan ng cake na inorder ng lalaki. “Bakit kailangan mo pa akong subuan? Hindi naman ako bata at saka kaya ko naman kumain mag-isa,” aniya. “Dito mo pa ako pinaupo sa itaas ng mesa. Hindi ka ba natatakot na masira ko ito?” dagdag pa na sabi niya. “I don’t care. Lahat naman ng bagay na nandito sa loob ng unit ko ay kaya kong palitan.” Natawa siya. “Iyan, diyan ka magaling. Porke ba marami kang pera ay wala ka ng pakialam sa mga gamit na napundar mo? Ha?” Kumuha siya ng kapirasong cake at saka isinubo sa lalaki na agad naman nitong kinain. “I am just pertaining to you.” “Pertaining to me?” “Kapag may nasira ka rito ay ayos lang, papalitan ko na l

