(Their so called past) EXCITED NA INAYOS ni Liberty ang gamit nila dahil uuwi na sila ng city. Isang malusog na baby boy ang ipinanganak ni Angela kaya naman tuwang-tuwa hindi lang ang kapatid niyang si Brix kung hindi pati ang kanynag mga magulang lalo na ang kanyang Papa. Halos hindi na nga siya magawang pansinin ng mga ito dahil nakatuon lamang ang mga atensiyon ng mga ito sa batang pamangkin niya. “Okay ka lang ba?” untag na tanong sa kanya ni Myron habang naglalakad sila patungo sa sasakyan. “Oo naman! Mukha ba akong hindi okay?” tugon naman niya. Napapansin niyang lagi na lang itong nakamasid sa kanya. “Oo, kasi hindi ka na favorite ng parents mo. Tingnan mo sila, parang sila ang nagkaroon ng bagong silang na baby,” nakangiting ani nito. Natawa siya. Pati ang kaibigan niya pala

