(Surprises) “BRO, NASAAN ka na ba?” bungad na tanong sa kanya ni Lorcan nang sagutin niya ang tawag nito. Sa hula niya ay nasa Highlands na ito at naghihintay sa kanya. “Malapit na ako sa gate, bro.” “Pwede bang bilisan mo? Kanina pa ako inuugat sa labas ng gate. Kung kanina mo pa sa akin ibinigay ang lock code sa unit mo eh di sana ay doon na ako naghihintay sa iyo,” reklamo ni Lorcan. “Mabuti na lang wala akong commitment ngayon.” “Oo na. Heto na ako. Nakita na kita,” aniya saka ibinaba na ang mobile phone. Ilan saglit pa ay nasa tapat na siya ng gate at sinenyasan ang guard na buksan iyon. Bumusina siya sa kaibigan na agad ding sumunod sa kanya na pumasok sa loob ng Highlands. Mayamaya pa ay sabay bumaba ng kani-kanilang sasakyan matapos i-park iyon. “Ang tagal mo naman, Justice. A

