(Contentment is happiness) KASALUKUYANG inaayos nia Liberty ang pagkain na niluto niyang merienda. Pancake iyon at saka orange juice. Nakaramdam siya ng gutom matapos niyang ma-edit ang kabuuang chapters ng kanyang sinusulat. Kailangan na niyang ipasa iyon sa kanyang editor na si Miss Rohan. Mabuti na lang at mabilis siyang nakapili ng kukuning sasakyan kaya naman nakapunta siya agad ng Highlands. Napangiti pa siya nang makitang nagmukhang bestida ang t-shirt ni Justice sa kanyang katawan. Hindi naman siguro magagalit ang lalaki kung sakaling nangialam na siya ng damit nito. Init na init kasi ang pakiramdam niya nang makarating sa unit ng lalaki kaya agad siyang naligo at nagpalit ng damit. Napaigtad siya nang biglang may dalawang kamay ang pumalibot sa kanyang baywang. “Ju-Justice?” Hi

