Carmella Pov
So eto na tayo sa not so exciting na part, lumipas ang ilang minuto after naming tawagan yung mga guardian namin ay unang dumating ang Nanay ni Lilith na nag drama pa talaga sya sa harap ng Nanay nya akala mo naman sya yung naapi. Habang nag hihintay ay dumating na si Kuya Sevy, takte pag pasok nya palang sa room ang sama na agad ng tingin nya sa amin ni Kuya Sevy isama din natin yung nanay ng clown na masama din ang tingin sa amin tapos kami naman ni Kuya Arian parang wala lang sa amin. Matanggal na mata nila kakatingin ng masama basta ang alam ko wala akong kasalanan.
"Miss Principal you saw it in the cctv right? my SISTER didn't attack her first so why did you call me?" My Kuya Sevy ask, sabayan natin yung trip nya sa English para cool hehehe.
"I call you because of what Arain did, as you can see Mrs Romero's daughter nose is bleeding" Sabi naman ng Principal, pero kung si Kuya Arian yung may kasalanan at inosente ako? bakit ako nandito---- ako nga pala ang dahilan kung bakit sya nadamay hehehehe
"Ms. Rosales is right" Sabat naman ng Nanay ni Lilith bago ako tingnan ng masama kaya naman hindi ko maiwasang tarayan sya, pano ba naman kasi hindi naman ako yung sumapak non ahh nakakainis na sya tapos itong mga kumag naka silip sa bintana na parang mga tanga hindi naman sila nakakatulong Tsk.
"Please dont interrupt our conversation Mrs Romero, Im not talking to you and since your daughter is involve in this case? Why dont you tell her how to act properly?" Kuya Sevy ask, alam ko na kung kanino ako mana ahh. Pero halata sa boses ni Kuya Sevy na nagpipigil na batukan kaming dalawa.
"Wala kang galang ahh, didn't your mother taught you how to respect someone?" Galit na tanong ng Nanay ni Lilith habang kami ni Kuya Arian ay naka chill mode lang na ikinakainis ng dalawang guardian dito hahahha
"I said it with respect, and dont ask me how my mother teach us because why dont you ask those question at yourself?" Mataray na tanong ni Kuya Sevy na sinangayunan namin maliban kay Lilith at sa Nanay nya na namumula na sa galit hahahhahaha.
"So Mrs Romero, i dont want this thing happened again so teach your daughter properly because next time my Younger Brother will be the one who will destroy those plastic nose" Dagdag pa ni Kuya Sevy na hindi pinagsasalita ang nanay ni Lilith. Bubuka palang sana ang bunganga ni Clown ng nagsalita ang Dean *para sosyal*
"You may go now" The dean said kaya naman tumayo na si Kuya Sevy para kaladkadin kami paalis sa principal office.
"Ang cool ng ginawa mo diba?" Tanong sa akin ni Kuya Sevy kaya tumango ako ng may ngite
"Pwes mag handa ka ng yelo para sa tainga mo" Dagdag naman ni Kuya Sevy na nagpawala ng ngite ko, okay na sana eh nanakot pa.
"Kuya naman nakita mo kung paano nya ako sinapak, tsaka mas masakit pa yung pagtapak nya sa pride ko kaysa sa sapak nyo" Dipensa ko sa sarili ko pero tiningnan lang ako ni Kuya ng masama
"Kahit na, buti nga hindi na sumali yung lalaking sinipa mo" Saad nya
"Sya may dahilan kung bakit ako nasapak" Nakanguso na sabi ko bago ako sumakay sa kotse
Ilang minutong byahe ay nakarating na kami kung saan kami nakatira pero i papark palang ni Kuya Sevy yung kotse nya pero umalis na ako at pumasok, alam ko kasing mambabatok si Kuya Sevy as soon as nakadating na kami, wala na nga akong utak ehh aalugin nya pa?
Naghintaay ako ng ilang segundo at pumasok na silang dalawa, si Kuya Arian naman ay naka hawak sa ulo nya, mukhang nasampolan na sya.
"Sige ginaganyan mo na ako ahh, as a punishment walang nagluluto para sayo ella basta wag mo lang sunugin yung buong kusina ahh" Sabi sa akin ni Kuya Sevy kaya natawa si Kuya Arian at nangasar pa talaga, akala mo naman marunong sya mag luto grabe sya mang asar
So ayon lumipas yung 1 oras at minumura na ako ng tyan ko dahil sa gutom!! GUTOM NA AKO!! Si Kuya Arian ay nag order ng pagkain nya ngayon dahil may pera syang ipon habang ako......... TANGINA BINILI KO NA, NAGASTOS KO NA PERA KO AT HINDI MAN LANG AKO NAKAKAIN!! Lagot talaga sa akin yang mga Section C na yan, nakakainis sila akala mo naman ang popogi pero ang papangit nila! GAGANTI AKO BUKAS!
"CARMELLA TO EARTH" Nagitla ako sa sigaw ni Kuya Arian na ngumunguya pa talaga sa harap ko, bwisit
"Ano ba yon? Kung tinawag mo lang ako para inggitin pwes----- Kuya" Yung maldita kong boses ay napalitan ng malambing na boses ng bigyan nya ako ng isang plato ng kanin at ulam.
"Eat this, sinabi sa akin ni Sofia na nakita ka daw nya sa labas ng room takte sa dami ng binili mo hindi ka manlang nakatikim?" Sabi ni Kuya Arian gamit ang mapangasar nyang tono na boses.
"Ang sama mo- na mabait" Agad ko namang ibinawi ang una kong sinabi ng sumama ang tingin nya sa akin, actually kulang pa sa akin yan pero thankful ako kasi may makakain na ako kaya inumpisahan ko na ang pagkain
"Dahan dahan lang baka mabilaukan ka" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko kaya nabulunan talaga ako kaya inabutan ako ni Kuya Sevy ng tubig, sakanya kasi ako nagulat.
"Salamat po" Sabi ko na may ngite bago tapuson ang pag kain. After naming kumain ay ako na nag volunteer para sa paghuhugas nga lplato at pagkatapos non ay pumasok na ako sa aking kwarto ko para matulog.......... HUMANDA TALAGA ANG SECTION C SA AKIN!!!