Herzon Pov..
Isang napakagandang tanawin ang bumongad sakin hindi ako makapaniwala na ganito pala dito kaganda. Tanaw na Tanaw ko ang asul na dagat at langhap rin ang sariwang hangin.
Sir pag pasinsyahan nyona po at dito muna kayo pansamanla sa maliit na bahay ng pinsan ko wala Naman po sya ngayon dito at matatagalan pa bago sya muli bumalik.
Kumpleto posa ka gamitan ang bahay may sarili narin pong linya ng tubig cr kung nais morin pong mag luto may maliit ring kusina. Pero araw araw kitang ipag luluto kagaya ng ginagawa ko sayo dati nong bata kapa.
Sabay hawak nito sa aking balikat kaya naman naalimpungatan ako sa pag iisip sa pag Tanaw sa kalayuan. Ate Aden subra subra ngapo ito napakagandang tabawin at ang ganda po ng paligid.
Hindi ko napigilan ang sarili kung akapin si ate eden dahil wala naman akung kinalakihang ina isa sya sa kinilala kung magulang. Salamat po ate sa pag tanggap nyo sakin dito nakangiti kung Saad sakanya.
Nag libot libot pako sa buong kabahayan hindi ito kalakihan pero masasabe kung isa ito sa pinaka magandang lugar na narating ko.
Tamang tama ito sa mga plano kung tahimik na buhay malayo sa karamihan ng tao kung saan walang mga taong nakasunod sakin at camera na dinumero ang kilos at galaw ko.
Hindi ko namalayan na naidlip na pala ako siguro sa sariwang hangin na pumapasuk sa bintana sa loob ng kwarto kung saan ako nahiga.
Hindi kuna namalayan ang oras animo may tao na nakamasid sakin habang nakahiga ako naalala ko nanaman ang lalake sa panaginip ko.
Lumapit ito sakin at bahagyang hinaplos ang mukha ko banaag kung naka ngiti ito sakin kaya naman nag labas rin ako ng matamis na ngiti. Naisip kung wag muna sana akung magising kung panaginip man ito.
Hinaplos haplos pa nito ng marahan ang aking pisnge saglit akung naalala na baka inaantay nako no ate eden at mga anak nya. Babangon na sana ako pero biglang nawala yong lalake panaginip nanaman sa isip ko.
Mula sa bahay na tinutuloyan ko madaraanan ko ang isang garden pababa sa bahay nina ate eden. Medyo madilim narin pala medyo napahaba ata ang tulog ko. Kailangan kung tawagan si papa para alam nyang nakarating nako dito.
Herzon anak halika na dito sabay sabay na tayong kumain. Medyo natigilan naman ako ngayon lang na may tumawag sakin anak hindi ko naramdaman sa totoo kung ina.
Habang kumakain kame lumabas ang anak ni ate eden si leza at ana magiliw sila pareho at nakikipag kwentuhan pa sakin. Medyo naaliw ako sa pakikilag laro sakinilang dalawa..
Hindi ko namalayan na nasa tabe na pala namin si Michael yong anak ni ate eden na panganay. Medyo matangkad ito at maganda na bahagya ang pangangatawan kahit bata lang sya.
Michael andyan kana pala tawag ni ate eden. Sakanya halika na at tulongan mo ang mag hayin at para maka kain na tayo. Lilingunin kupa sana si Michael para kumustahin pero agad na itong sumonod sa kanyang ina sa kusina.
Pinag patuloy kunalang ang pakikipag kulitan kusa kambal. Sabik rin ako sa bata dahil mag isa lang naman akung anak at busy rin si papa para mag banding manlang sana kame.
Mga anak tara na at kakain na tumingen ako at nag aalangan tumayo mga anak daw eh nahihiya talaga ako. Herzon anak tara na diba ako nag pa laki sayo di anak narin kita.
Sus batang ito nahihiya pa sakin pa talaga dati nga pinaliliguan pa kita ng walang damet. Bigla naman akung nahiya sa mga totoo nyang anak.
Ate wag muna po ipaalala yon natatawa kung tugon sa kanila andon rin kase ang iba pa nilang kasama sa bahay. Na pansin ko naman ang pananahimik ni Michael.
Michael anak bat ang tahimik mo kahapon lang tanong ka ng tanong kung kailan dating ni Herzon ngayon katabe muna sya. Mag kwento ko sakanya at habang andito pasya gusto ko samahan mo sya kung saan sya mag pupunta anak.
Hindi pasya sanay dito kaya naman gusto kung samahan mo sya lage. Sya ngapala saan kaba nag pupunta sinabihan kita na puntahan mosi Herzon kanina sa bahay na tinutuloyan nya bigla kang nawala.
Napasulyap naman ako kay michael at nag katingenan kame. Bigla syang umiwas ng tingen at nag salita nabubulol pa ito bahagya. Nay bumili lang ako sa tindahan kaso pag balik ko nakita kuna andito nasi kuya Herzon kaya hindi na ako tumoloy.
Nahihiya pa itong tumingen sakin bahagya. Ngumiti naman ako sakanya bago nag salita laki laki muna Michael dati ang bata mopa nong huli kitang makita. Nako yang bata nayan akala mulang mahiyain pero totoo madaldal yan.
Nay naman ipahiya ba ako sa harap ni kuya Herzon bulyaw nito sa kanyang ina. Natapos ang kainan namin ng masaya kwentuhan kumustahan. Inabot kunarin yong mga pasalubong kusa kanila. Dahil kay kuya Ted ay agad kung nalaman kung ano ang dapat kung bilhin sakanila bilang pasalubong.
Nakung bata na ito nag abala kapa Saad sakin ni ate eden habang isa isa kung inaabot ang pasalubong ko. Isang Jordan na sapatos ang para kay michael tuwang tuwa naman ito. Para naman sa kambal damet at laruan na pareho sila. Ganon rin kay ate eden damet at kunting halaga pambili ng mga kailangan para sa bahay. Ayaw nyapa sana nyang tanggapin munit nag pumilit ako kaya wala narin syang nagawa pa.
Napag pasyahan ni ate eden na samahan ako ni Michael sa bahay na tutuloyan ko tutal naman daw dalawa ang kwarto doon. Sa sabihin kupa sana na ayos lamang ako pero hindi rin ito pumayag.
Ayos narin siguro iyon para kung sakali na kailangan ko ng kausap andyan si Michael. Medyo malalim narin ang gabe ay napag pasyahan kunang mag pahinga muna.
Anak samahan muna si kuya herzon mo at wag kung saan saan mo sya aakitin ha. Wag kayong lalayo kung lalabas kayo hindi naman dito dilikado pero maige na ang nag iingat. Saka wag mong ipag sasabe sa mga kaibigan at kaklase mo ang tungkol sa kuya herzon mo ayaw kung masira ang pag babakasyon nya dito satin baka mamaya mag sipag sugoran ang mga tao dito. Sige na matulog na kayo at bukas ipasyal mosya.