Chapter 2

2226 Words
One year later “OPEN the door, Lexie!” Napamulat ng mata si Lexie. Bumangon siya sa sofa nang marinig ulit ang malakas na sigaw ni Razel. Tiningnan niya ang relo sa kamay. Kaasar bakit nakatulog ako! Baka kanina pa kumakatok si Razel. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Alas-otso na naman ng gabi umuwi ang asawa. ‘Di niya alam kung matatawag niya nga ba na asawa ito. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Inihanda niya na ang sarili. Alam niyang pagbubuhatan na naman siya ni Razel ng kamay kahit na wala siyang ginagawang masama. Pagbukas niya ng pintuan matalim siya nitong tiningnan. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” singhal nito. Napalunok siya ng laway. Humigpit din ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit. Napatingin siya sa kasama nito. Parang sinaksak ng libu-libong karayom ang puso niya sa nakita. Nakahawak ang kamay ng asawa sa baywang ng pinsan niyang si Sherra. Muling ibinaling niya ang tingin sa mukha ng pinsan. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Gusto niya sana itong irapan kung wala ang asawa sa harapan nila. “Honey, go to our room . . . take a shower,” utos ni Razel rito. Tiningnan niya nang masama ang pinsan. “Okay, Hon,” malanding sagot nito. Hinimas pa nito ang dibdib ni Razel. Kung hindi lang magagalit sa kanya ang asawa baka kanina niya pa sinabunutan ang pinsan. Bago ito tuluyang tumalikod nginisian pa siya nito. Naikuyom niya na lang ang dalawang palad. Isang taon na silang kasal ni Razel. Ipinangbayad siya ng ama sa utang. Malaki ang utang ng kanyang ama sa ama ni Razel. Wala siyang nagawa nang ipakasal siya ng ama rito dahil ikinulong siya ng tatlong araw sa loob ng kwarto niya. Lalo siyang napilitang magpakasal nang bugbugin ng ama ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Sa isang taon na lumipas palagi siya nitong sinasaktan. Palagi rin nitong dinadala sa bahay nila ang nobya nitong si Sherra. Kahit kasal na sila ni Razel hindi pa rin hinihiwalayan ng pinsan niya ang kanyang asawa. “I’m talking to you, Lexie!” Napapitlag siya sa sigaw nito. Napayuko siya ayaw niyang makita ang galit na mukha nito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pintuan ha?” “Sorry, nakatulog kasi ako sa sofa,” sagot niya rito habang nanatiling nakayuko. “Bullsh*t! Did you know that at half-time we waited! Next time don’t sleep wait for my arrival! Do you understand?” nanggigigil na sigaw nito sa mukha niya. Sa halip na mainis siya sa sigaw nito, natuwa pa siya nang maamoy niya ang mabangong hininga nito. Inggit na inggit siya kay Sherra dahil kahit na minsan hindi ito pinagbubuhatan at sinigawan ng kanyang asawa. Parang isang reyna ito kung ituring ni Razel. “Sorry talaga. ‘Di na mauulit,” mahinang wika niya. Napangiwi siya nang hablutin nito ang kanyang braso. “If you repeat. I will make sure you can not walk for one week!” Nangilabot siya sa sinabi nito. Malakas na binitawan nito ang braso niya. Napagilid siya sa tabi ng pintuan nang bungguin siya nito. Sinundan niya nang tingin ito habang naglalakad paakyat sa hagdan. ‘Di man lang siya nito nilingon. Sino nga ba naman siya para lingonin nito? Isa lang naman siyang asawang walang kuwenta para rito. Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at mabagal na naglakad patungo sa sofa. Pabagsak siyang umupo. Napatingala siya sa kisame. Tuluyan nang umagos ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. Razel, dahil mahal kita. Titiisin ko ang pananakit mo sa’kin. KINABUKASAN nagising si Lexie dahil sa malakas na pagtunog ng cell phone niya. Nakapikit ang isang mata na kinapa niya iyon sa ilalim ng unan niya. Nag-text sa kanya ang kapatid ni Razel na si Richie. Sa apat na magkakapatid bunso ito. Ang panganay ay si Razel, pangalawa si Rake, pangatlo naman si Razela, at ang bunso ay si Richie. Parang bulang naglaho ang antok niya pagkabasa sa mensahe nito. Dadaan daw ito sa bahay nila. Gusto raw siya nitong makasabay pumasok sa eskwelahan. Nag-reply siya. Okay. Hihintayin kita. Pagkatapos ay bumangon na siya at lumabas ng kwarto. Halos takbuhin niya ang kwarto ni Razel sa sobrang pagkataranta. Kailangang masabihan niya ang asawa na dadaan ang kapatid nito sa bahay nila. ‘Di alam ni Richie na nobya pa rin ng kuya nito ang pinsan niya. Ang alam ng buong pamilya niya at pamilya ni Razel ay hiwalay na ito kay Sherra. Pinagbantaan siya ng asawa na ipapabugbog ang dalawa niyang kapatid. Kaya kahit na gusto niyang magsumbong sa magulang nito hindi niya magawa dahil ayaw niyang masaktan ang mga kapatid niya. Nang makarating siya sa tapat ng kwarto nito, akmang bubuksan niya na sana nang biglang bumukas ito. Bumungad sa mukha niya ang mukha ni Sherra. “What are you doing here?” mataray na tanong nito. Sinuri niya ang kabuuan ng pinsan. Nakasuot ito ng pink nightgown. She’s pretty. Pero mas maganda ako! “Puwede bang umalis ka na? Darating kasi rito si Richie. Sabay kaming pupunta ng school,” sagot niya. Sa halip na maalarma tinaasan at humalukipkip lang ito. Napatingin siya sa relo niya alas-sais na kailangang makaalis na ito sa bahay nila kung hindi maaabutan ito ni Richie. Alas-siyete pa naman ito pumupunta ng bahay nila. “What if ayaw ko? May magagawa ka ba?” nakangisi nitong saad. Ngayong umaga mauubos ata agad ang pasensiya niya sa babaeng kaharap. Ano ba ang problema ng babaeng ito? Gusto niya bang malaman ni Richie na may relasyon pa rin sila ni Razel? Bumuntong-hininga siya nang malalim. Hindi niya gusto malaman ng pamilya ni Razel at ng ama niya na may relasyon pa rin ang mga ito. Baka magalit sa kanya ang kanyang ama. Magagalit na naman ito sa kanya at baka saktan din nito ang kanyang mga kapatid. Baka sisihin siya nito na dahil sa kapabayaan niya kaya nambabae ang kanyang asawa. Ayaw niyang mangyari ang ganoon. Gagawin niya ang lahat para hindi malaman ng mga ito ang relasyon ng dalawa. Kahit na labag sa kalooban niya ang pagtataksil ng asawa. “Padaan na lang ako. Kakausapin ko si Razel,” Itinulak niya nang mahina ito. Sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Razel. Nakita niyang umupo at sumandal sa pader si Sherra. Napansin niyang ngumisi nang palihim ito sa kanya. “What happened to you, Hon?” nag-aalalang tanong ni Razel kay Sherra. Lumapit ito sa pinsan niya at inalalayan itong tumayo. Ang galing talagang umarte ng babaeng ito! ‘Di naman malakas ang pagkakatulak ko sa kanya! Pero kung makaarte parang pagkalakas-lakas nang pagkakatulak ko! “Honey, itinulak ako ni Lexie nang malakas! Nagalit siya sa’kin. Bakit sa kwarto mo naman daw ako natulog. Sabi niya pa huwag na raw ako pumunta dito sa bahay n’yo,” humihikbing sagot nito kay Razel. Magkasalubong ang mga kilay na tinitigan siya nito. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay may biglang bumara sa lalamunan niya na tila nagpahirap sa kanya na huminga. “She’s lying. Mahina lang ang pagkakatulak ko sa kanya,” paliwanag niya. “Liar! Itinulak mo ako nang malakas!” galit na sigaw sa kanya ni Sherra. “Honey, itinulak niya talaga ako nang malakas,” Napapikit siya. Tuluyan na kasing umiyak ang pinsan niya. Napakagaling talagang umarte ng pinsan niya dahil nagawa pa nitong umiyak. Galit na hinawakan ni Razel ang ulo niya at mabilis na iniuntog sa pintuan. Pakiramdam niya ay umikot ang kanyang buong paligid. Nakaramdam rin siya ng pagkahilo. Halos mawalan siya ng ulirat sa ginawa nito. Kaya napaupo siya nang dahan-dahan sa sahig. Bago ang mga ito tuluyang umalis sa kanyang harapan, sinipa pa siya ni Razel. Kung hindi lang maliliit pa ang dalawa niyang kapatid, gusto niya na sanang sumuko. Gusto na niyang mawala sa mundo para hindi na siya saktan ng ama at ni Razel. Napahikbi siya. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Bugbog na bugbog na ang katawan niya. Pati na rin ang puso at isip niya ay bugbog na sa mga pasakit na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Panginoon, masama po ba akong tao? Bakit palagi na lang po ako sinasaktan ng asawa ko? Puwede po bang kahit isang araw lang po huwag niya naman akong saktan? Mahal na mahal ko po siya kaya ayaw ko siyang iwan. Dahan-dahan siyang tumayo. Pinunasan niya ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi. Kinuha niya ang cell phone sa kanyang bulsa at tiningnan ang litrato nila. Apat lahat sila sa larawan, siya, ang ina, at ang dalawa niyang kapatid. Napangiti siya. Tanging ang mga ito na lang ang pinagkukunan niya ng lakas para mabuhay. Kung wala ang mga ito baka matagal niya nang hiniling sa panginoon na kunin na siya nito. “Manang Fee! Ipaghanda mo na kami ng makakain namin ni Sherra! Where the hell are you!” Nagulat siya nang sumigaw si Razel. Dumagundong sa loob ng bahay nila ang sigaw nito. Ibinulsa niya ang cell phone. Kahit na nahihilo binilisan niya pa rin ang paglalakad. Nang makarating sa tapat ng hagdan halos takbuhin niya pababa ito para makarating kaagad sa kusina. Akmang papasok na siya ng kusina nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa. Tumago siya sa likod ng pinto. Nakita niyang nakatayo ang kanilang kasambahay na si Manang Fee sa harapan ni Razel at Sherra. “Manang Fee! Alam kong nakita mo ang ginawa ko kay Lexie. Huwag na huwag kang magsusumbong kahit na kanino lalo na sa magulang ko. Do you understand?” seryosong saad ni Razel rito. “O-opo, Sir. ‘Di po ako magsusumbong kahit na ka-kanino,” utal-utal na sagot nito sa asawa niya. “Manang Fee, kung magsusumbong ka hindi ko ibibigay ang sweldo mo! And I will cut your tongue!” pananakot pa ni Razel rito. “Good morning, Ate Lexie!” sigaw ni Richie. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Mabilis siyang humarap dito. Alas-siyete na ba? Bakit nandito na siya? Sinilip niya sina Razel at Sherra sa loob. ‘Di maintindihan ng kanyang pinsan kung saan magtatago. Ang kanyang asawa naman ay namutla. Napangisi siya. Ang tatapang nila kanina. Tapos ngayon ang mga mukha nila parang nakakita ng tigre. Muling ibinaling niya ang tingin kay Richie. Ang nakangiting mukha nito ay nagbago nang makalapit ito sa kanya. Tiningnan niya ang relo. Sampung minuto pa bago mag alas-siyete “Hey. I thought alas-siyete mo pa ako dadaanan dito? Mag-aalas-siyete pa lang kaya,” tanong niya rito. Pero hindi ito sumagot, napansin niyang kumunot ang noo nito. Nakita niya kaya si Sherra? Sana hindi. Tinusok niya ang tagiliran nito. Nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti na. “Bakit nga pa la ang aga mong pumunta rito?” Hinila nito ang kamay niya papasok ng kusina. “Dito ko kasi gustong mag-breakfast. Na-miss pati kita, Ate. Alam mo namang nagbakasyon ako ng isang linggo sa Palawan kaya na-miss talaga kita,” paliwanag nito. Nang makarating sila sa tapat ni Razel humalik ito sa pisngi ng kuya nito. Magkatabing upuan ang inupuan nila ni Richie. Binigyan niya nang mabilisang tingin ang kanyang asawa. Blanko ang mukha nito habang kumakain. Kaunti lang ang kinuha niyang pagkain. Tiningnan niya ang plato ni Richie. Ang kinuha lang nito ay dalawang hotdog, dalawang itlog at isang egg sandwich. “Hey, Kuya Razel, may kasama ka bang babae rito sa kusina kanina bukod kay Manang Fee?” usisa ni Richie sa kuya niya. Napaubo naman ang kanyang asawa sa tanong ng kapatid nito. Dali-dali itong uminom ng tubig. Siya naman ay kinabahan sa tanong ni Richie. Nakita niya siguro si Sherra. Pero, saan na kaya ang bruha na ‘yon! “Naku! Ikaw talaga, Richie, kung anu-ano ang nakikita mo!” Hinampas niya nang mahina ang braso nito. “Walang ibang babae rito. Kami lang dalawa ni Manang Fee ‘di ba, Razel?” Ngumiti ito sa kapatid niya. Lumabas tuloy ang dalawang dimple nito sa magkabilaang pisngi. “Yeah. Lil sis,” tipid na sagot nito. Napatango-tango si Richie. Sa mukha nito parang hindi ito naniwala sa kanilang dalawa. Napatingin pa ito sa CR ng kusina nila. Mabilis niyang inubos ang kanyang pagkain. Akmang tatayo na siya nang biglang tumayo si Richie. “I’m full!” masayang sigaw nito. “Pupunta lang muna ako ng CR,” Napansin niyang ngumisi ito sa kuya nito. At matalim na tumingin sa CR nila na para bang may kaaway ito roon. “Razel, dadalhin ko lang si Richie sa kwarto natin ha?” Tumingin ito sa kanya. Blanko ang mukha nito. Kahit kailan, wala talagang kuwentang kausap ang lalaking ‘to! Tse! Bahala ka sa buhay mo! Umalis siya sa kanyang upuan at hinila si Richie palabas ng kusina. “Ate Lexie, doon ko gusto umihi!” reklamo nito sa kanya. ‘Di niya pa rin binibitawan ang kamay nito. Hawak-hawak niya pa rin ito hanggang sa makarating sila sa kwarto niya. “Sa guest room ka na lang umihi. Maliligo lang ako,” paalam niya rito. Sa kwarto niya kasi may short cut na pinto papunta sa guest room. Ang alam ng lahat magkatabi silang matulog ni Razel. Sa kwarto niya kasi nilagyan niya ng picture nila ni Razel noong kinasal sila. Ayaw niya kasing may makaalam na hiwalay sila ng kwarto ng kanyang asawa. Baka malaman pa ng mga ito na sinasaktan siya ng kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD