KABANATA 18 Third Person’s POV LUMABAS ang uwak sa pinagtataguan sa hindi kalayuan dahil may nararamdaman itong kumakawala ng pambihirang lakas. "ANONG NANGYAYARI SA MORTAL!" Sigaw ng uwak habang tinitignan si Fiona. Ino-obserbahan nina Izaiah at bakas sa mukha ang pagkataka at pagkagulat. "KUNG MAY KAPANGYARIHAN KA MORTAL, UUNAHAN KO NA ANG PAGSALAKAY!" Sigaw ni Kieran at kumawala nanaman ito ng libo-libong patalim at kinontrol ito sa kinaroroonan ni Fiona. Pero bago pa ito napalapit kay Fiona ay biglang natunaw ang mga patalim na Ginawa ni Kieran. Nanlaki ang mata ng lahat nung umilaw ng bigla ang noo ni Fiona at unti-unti itong naging hugis buwan. "A-ANONG NANGYAYARI!!" Dagdag ng uwak at napatakip sila ng kanilang mata dahil sa sobrang liwanag na nangagaling sa noo ni Fiona. Napa-