KABANATA 5

1552 Words
KABANATA 5 Fiona Serenity’s POV Napa-kapit na lang ako ng mahigpit sa uniporme ni Joziah kaya napa-hinto rin siya sa paglalakad pati rin si Zemetrius. Habang sina Zarkuz at Izaiah naman ay nagpa-tuloy sa pag-la-lakad. Na’ng makita ko ang mga matatalim nilang pangil, naramdaman ko nalang na naginginig ako. “Huwag kang matakot, nandito kami para protektahan ka.” Seryosong wika ni Joziah sabay tinanggal ang kamay ko sa uniporme niya at nagsimulang maglakad. “Masasanay ka rin sa kanila Fiona. Ngayon lang kasi sila maka-ka-salamuha ng isang mortal,” wika ni Zemetrius habang nakangiti sakin. Tumango na lang ako at nag nag-simula na kaming maglakad ni Zemetrius. Pero parang mga mata ng mga lalakeng bampira ay hindi nila tinatanggal sa ‘kin. Ang mga bampirang babae naman sobrang sama ng tingin, parang gusto nila akong balatan ng buhay. “Ihahatid na kita sa magiging section mo,” tumango na lang ako at umakyat kami sa ikatlong palapag. Habang papaakyat kami ay sinasalubong talaga ako ng naka-ka-takot na tingin kaya napapayuko na lang ako. Tatlong pintuan na ang nadaanan namin at huminto sa ikaapat na pintuan. Titingin sana ako sa loob pero may itim na kurtina ang nakaharang. Kumatok na si Zemetrius at kusang bumukas ang pintuan. Nauna na siyang pumasok pero ako nasa labas parin. Parang naka semento kasi ang dalawa kong paa. Pero hinila ako ni Zemetrius papasok. Bumungad sakin ang mga naka-upong bampira habang nag-su-sulat at isang guro na may sinusulat din sa pisara. Napatingin siya sa ‘min ni Zemetrius. Ang gugwapo ng mga bampira sa lugar na ‘to, wala akong nakita na walang ibubuga kaso sobrang nakakatakot. “Ginoong Zemetrius ikaw pala at parang may bisita sa likod mo,” wika ng guro sabay nilapag ang chalk tapos tinignan niya ako. “Propesor Nixon Isa siyang mortal sana walang mangyayaring masama sa kaniya, hawak siya namin kaya hindi siya maaaring galawin.”Napatingin naman bigla ang mga bampirang naka-upo at parang namangha na may halong pagnanasa nang nakita ako. Sana makalabas ako ng buhay dito. “Masusunod, maari ka ng bumalik sa klase mo.” Tumango si Zemetrius at ngumiti siya sakin bago umalis. “Makinig kayo, h’wag niyong pakealaman ‘tong mortal na ito kung nais niyo pang mabuhay,” seryosong wika ng Propesor. “Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan binibini?” Napa-tingin ako sa nag-salita sa likod. Napalunok kaagad ako dahil ngumiti siya sa ‘kin at lumabas ang kaniyang pangil. “Pwede ko bang ibuwis ang aking buhay para matikman ang iyong dugo?” dagdag niya habang diniliaan niya ang sarili niyang labi. Nanindig agad ang balahibo ko. “Tahimik Zaid. Binibini, sabihin mo ang iyong pangalan,” wika ng propesor at kumuha ako ng lakas loob para magsalita. “A-Ako si Fiona Serenity,” saad ko habang nanginginig ang lalamunan ko. “Kasing ganda mo ang iyong pangalan binibini, siguro kasing sarap din ng iyong dugo. Pero wala akong nalalanghap kahit anong amoy,” saad ng isang na naka-upo habang naka-pikit. “Magsitahimik kayo kung ayaw niyong mabuhusan ng banal na tubig.” Napansin kong may kinuha ang propesor sa bulsa niyang maliit na bote. Dahil ‘dun hindi sila nagsalita ulit. Nagbuntong hininga nalang ako at yumuko. “Maari kang umupo sa gilid ng bintanang ‘yun,” mahinahong wika ng propesor habang tinuro niya sakin ang upuan. Nagsimula akong maglakad pero nanginginig ang mga tuhod ko. Na’ng makarating ako sa upuan, umupo agad ako at tumingin sa unahan dahil napapansin kong tinitignan ako bampira sa kaliwa ko, ‘yun ‘yong nagsalita kanina habang nakapikit. Sana talaga makalabas ako ng buhay. _ Nag discuss lang ang propesor tungkol sa Gramatikang Ingles at makalipas ang ilang oras narinig kong tumunog ang bell at nagsilabasan ang mga bampira sa loob ng silid. Aalis na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko at binagsak ako bigla sa upuan, napangiwi naman ako sa sakit. Napatingin ako kung sino ang gumawa sakin no’n Bumungad sa ‘kin ang lalakeng panay titig sa ‘kin kanina pa. “A-Ano ba! Bitawan mo ako!” sigaw ko at winaksi ko ang kamay niya sa pag-ka-ka-hawak sa braso ko. “Ang tapang mo binibini pero isa ka lamang mortal, kahit ibuhos mo ang lahat ng lakas mo hindi mo ako mapipigilan,” pilyong saad niya sabay hawak sa leeg ko at kaagad akong nag-pu-pumiglas dahil parang dudurugin niya na. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko, pero tumatawa lang siya. Pero, nanlaki ang mata ko dahil isang iglap ay bigla s’yang tumalsik sa cabinet, nawasak ito at nagkaroon ng biyak ang pader dahil sa sobrang lakas ng pagkakatapon niya. “Ayos kalang ba Fiona?” Napatingin ako sa nagsalita bigla sa harapan ko habang ramdam na ramdam ko parin ang takot. “Z-Zemetrius, gusto ko nang umalis dito!” “Uuwi na tayo, wag ka magalala,” mahinahong saad aad niya habang tinutulungan akong tumayo dahil parang hindi ko matayo ang sarili ko dahil nangngatog ang mga tuhod ko. “Kailangan mong pumasok sa Academia na ito, ikaw ay dapat na matuto.” Napatingin naman ako sa pintuan at nan’dun Joziah habang nagbabasa pa rin ng libro kasama niya sina Zarkuz at Izaiah. “Joziah, kailangan natin bigyan ang leks’yon sa gumawa nito sakaniya,” seryosong saad ni Zemetriu. Kaaagd n’yang tinung ang kinaroroonan ng bampirang hinaras ako kanina. Walang alinlangang hinawakan niya ito sa leeg at sinakal hanggang nasa ere na ang katawan ng lalaki. “Z-Zemetrius i-ibaba m-mo a-ako hangal!” Natuutal na wika ng lalake habang nahihirapan siyang huminga. “Tss tapusin mo na yan Zemetrius, marami pa akong gagawin sinasayang mo ang oras ko,” pilyong ni Izaiah habang nakasandal sa pader. Si Zarkuz naman tinitignan lang kung ano ang mangayayari. Ihahagis na sana ni Zemetrius ang lalaking bampira pero hinawakan ko bigla ang Braso niya. “Hayaan mo na siyang mabuhay...mamamatay siya pag pinagpatuloy mo pa...” Narinig kong tumawa si Izaiah. “Masyado ka namang mabait na mortal, mas lalo kitang nagugustuhan,” natatawang wika ni Izaiah habang nilabas ang mga pangil niya. Naguumpisa nanaman ang manyak na bampirang ‘to. Nakita kong binaba na ni Zemetrius ang lalake, habang hinahabol niya ang kaniyang hininga. “Umalis na tayo Fiona,” wika niya at hinawakan niya ang kamay ko. Naglakad kami palabas ng Akademia. Napansin ko kaagad ang sinag ng buwan na sobrang ganda tignan. Napatingin ako sa kamay ni Zemetrius nakahawak sa kamay ko. Namula ako bigla dahil naramdaman kong unti-unting umiinit ang palad n’ya kaysa kanina. Papalapit na sana kami sa sasakyan pero bigla itong sumabog napatalsik ako at napahiga sa semento. “KUNIN NYO ANG MORTAL NA BABAENG YAN!” rinig kong sigaw nang lalaking hindi pamilyar ang boses. “Kieran. Hindi ako makapaniwalang malalaman mo agad ang tungkol dito,” tinig ‘yun ni Zarkuz kaya pilit akong umupo at tignan kung ano ang nagyayari. Nagulat akong pinapalibutan kami ng isang grupo ng mga bampirang kulay pula kapa at nakasimbolo ang pulang uwak. Nasa harap ko sina Zarkuz na tila ay hinahanda ang kanilang mga sarili. Ito ba yung sinasabing kalaban nila? “Joziah, itakas mo ang mortal sa lugar na ito at tawagin ang kalahi natin,” seryosong utos ni Zarkuz at bigla akong binuhat ni Joziah sabay tumalon sa puno para makakuha ng lakas sa paglipad. “Pag nahuli ka nila, hindi mo na magagawa ang iyong misyon dahil uubusin nila ang iyong dugo,” malamig niya habang nakatingin sakin. Magsasalita na sana ako pero bigla kaming nahulog sa ere at napagulong ako sa damuhan. “Amin ang mortal na ‘to!” Sigaw ng bampirang papalapit sa kinaroroonan ko. Pilit kong tumayo pero napasandal ako sa puno dahil sa sorang sakit ng likod ko dahil sa pagkabagsak. Pero hindi ko iyon ininda at tumitingin-tingin ako sa paligid pero hindi ko mahanap si Joziah. “Hindi mo siya makukuha.” Biglang sumulpot si Joziah sa likod ng kalaban at biglang sinaksak niya ito sa likuran. Nasaksihan kong naging pulang abo ang katawan ng pulang bampira. “Umalis na tayo dito—“ Hindi na maituloy ang sasabihin niya at napa-luhod bigla si Joziah habang may hinahawakan siya sa tiyan niya banda. “A-Ayos ka lang?!” Pinikiy ko talaga ang sarili kong tumayo sabay tumakbo papunta sa kaniya at tinignan ko ang tiyan ni Joziah. May isang pulang pana na nakabaon at nagulat akong nakatagos ito sa likod niya. “Ang daming dugo! Napakalalim ng sugat mo!” Tinutulungan ko siyang tumayo pero hindi ko makaya. Ito siguro ang dahilan kung bakit kami nahulog kanina! Tatayo na sana ulit ako pero dumating ang uwak at pumatong sa kahoy na nasa di kalayuan. “Panginoon! Kagatin mo ang mortal na ‘yan at uminom ka ng dugo!” Sigaw ng uwak. “Bakit kailangang gawin yun?!” sigaw ko habang pilit na pinipigilan ang dugong dumadaloy sa tiyan n’ya. “Nakakagaling ang dugo ng mortal pag nagkasugat ang bampir! Bilisan mo dahil kung mamamatay ang panginoon ko, ikaw ang malalagot sakin!” Mag-sa-salita pa sana ako pero nagulat akong biglang pinunit ni Joziah ang k’welyo ng uniporme ko. ©cherryypinks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD