Macy's Pov NAKAUPO lang ako sa dulo ng upuan at medyo malayo ang pagitan namin ni boss Sid. Ayaw kong lumapit sa kanya kahit kanina pa niya ako tinatawag. Gabi na kasi at tapos na kami kumain ng hapunan. Kaya matutulog na sana kami pero ako ay hindi ako mapakali at baka maararo na naman ako ng wala sa oras. Ayaw ko ngang patayin ang ilaw dahil natatakot ako na baka pag pinatay ko ay bigla akong lapitan ni boss Sid. Kung alam ko lang talaga na wala naman pala siyang meeting dito ay nunkang sasama ako sa kanya. Kanina ko pa gustong bumalik ng Manila at iwan siya dito. Pero ang loko kinuha ang bag ko at itinago. Para hindi ko makuha ang wallet ko. "Patayin mo na ang ilaw, Macy. Matutulog na ako." Utos ni boss Sid sa 'kin na nakahiga na ngayon sa kama. "Sige po, boss." Sagot ko na

