Macy's Pov BALIK ako sa dati na nag tra-trabaho dahil na din sa usapan namin ni boss Sid. One month ang sinabi niya sa 'kin kahapon hanggang sa makatuto na ang papalit sa 'kin. Sa sobrang gusto kong umalis na sa kompanya ay agad akong nag post sa social media na hiring ang kompanya. Wala siyang magagawa kung nag post na ako na hindi niya alam. Gusto ko na talagang makahanap ng bago para hindi ako maabutan dito ni ma'am Grace. Busy-busyhan ako sa office table ko habang si boss Sid ay nasa office niya. Mabuti nga at hindi na naman niya ako ginugulo na panay tawag sa 'kin. Alam naman yata niya na naiilang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung saan ako mag a-adjust para hindi ako mailang sa nalalabi kong weeks dito. Nag paalam na din ako sa mga close ko dito sa kompanya at talagang nagu

