Macy's Pov NAKARATING kami sa Cebu at agad na nag book ng hotel si boss Sid. Sabi ko pa nga na ako nalang ang mag b-book pero hindi siya pumayag. Trabaho ko naman yun kaya dapat lang ay ako ang mag book. Secretary kaya niya ako. Pero wala naman akong nagawa dahil gusto niya yun. Pinabayaan ko nalang basta ang sinabi ko ay kuhaan niya ako ng room din na malayo sa room niya. Tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag dahil wala hindi siya kumontra sa sinabi ko. Masunurin din naman pala 'to si boss Sid eh. Minsan may tililing lang. Kanina pa ako inis na inis sa kanya dahil lagi niya akong inaasar. Gusto ko nalang tumalon sa airplane na sinasakyan namin dahil ayaw niyang tumigil sa kapilyuhan niya. Nandito kami sa lobby at hinihintay ko siya na matapos. Nasa front desk kasi siya

