Macy's Pov NAKATULALA na naman ako habang nasa office table ko. Ganun parin ang tumatakbo sa isipan ko, si ma'am Grace parin. Balak niyang makipag kita si boss Sid sa kanya kaya nag set ako ng date para sakanila na hindi nalalaman ni boss Sid. Isa pa sa gumugulo sa isip ko ay alam kong magagalit si boss Sid kapag nalaman niya ang ginawa ko. Pero wala akong magagawa dahil naka oo na ako kay ma'am Grace. Mamaya ang date na yun. Kaya kapag naiisip ko ay naiiyak na ako. Sino ba naman kasing gugustuhin makita ang lalaking nagugustuhan ko na naman ulit na may kasamang ibang babae. Puro mali-mali na ang ginagawa ko kanina dahil wala ako sa tamang pag iisip. Napagsabihan pa ako kanina ng isa sa mga HR dahil sa ginawa ko sa report nila para sana ibigay nila kay boss Sid. Puro talaga mali ang

