Akuma's Point of View KAHIT walang kaplano plano si Hoax ay nag enjoy kami. Tinupad niya ang sinabi niya na mag e-enjoy kami ng hindi namin namamalayan. Pinuntahan namin ang mga tourist spot pero hindi naman lahat dahil hindi naman namin kaya dahil isang araw lang kami mamamasyal. Sinulit talaga namin ang isang araw kaya hanggang gabi kami sa paglilibot. Mas magandang mamasyal kapag gabi dahil ang ganda ng tanawin kapag nasa taas kami. "Salamat sa araw na ito," sabi ko kay Hoax pagkauwi namin sa LIS. "No, ako dapat magpasalamat dahil pinagbigyan mo ako," sabi niya. "Pinagbigayn kita pero ikaw naman ang gumastos," sabi ko. "Swempre lalaki ako, alangan naman na pagbayaran kita? Ang pangit naman nun," sabi niya. "Wala namang masama doon," sabi ko. "Meron lalo na at unang beses pa lang

