Akuma's Point of View Sabado ngayon kaya nakatambay lang ako sa sala at nanunuod ng t.v. Natutulog pa ang mga kasama ko kaya ako pa lang nandito sa sala. Maaga talaga akong nagigising kahit walang pasok, nag-jo-jogging kasi ako at nag e-ensayo. Mayamaya biglang bumaba si Yannie, halatang kakagising lang niya dahil ang gulo gulo ng buhok niya. Pagbaba niya agad siyang lumapit sa akin. "Umie," sabi niya pag upo niya sa tabi ko. "Tumawag sa akin si Mommy kanina sabi niya ang mga high rank dito sa R.U ay pwedeng makalabas." Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. "What?" gulat na sabi ko. "So, all this time pwede tayong lumabas tapos hindi man lang sinabi sa atin ng Headmaster?" Inip na inip ako dito sa loob, gusto kong pumunta ng Gang Stadium pero dahil bawal lumabas hindi ako makala

