Chapter 17

2691 Words
Pasado alas singko ng dumating ang daddy ni stacy na si Tito Max kasama ang panganay na si Elliot at ang panglawang si Johann. Si grey at si Stacy daw ay paparating na din. Sinalubong namin sila sa labas at agad naman akong pinakilala ni Marco. "It's so nice to finally meet you." sabi ni tito Max. Si Johann at Elliot naman ay bahagya lang akong tinanguan. Saka nagpatiuna ng pumasok sa bahay. Sa buong Oras ng paghihintay namin sa hapunan ay sa sala kami naupo. Ang dalwa nyang pinsan ay pumunta kung saan habang may kausap sa telepono, Sina tito Max naman at ang mama't daddy ni Marco ay nag uusap. Paminsan minsan ay sumasagot si Marco habang ako naman ay nasa gilid lang nya, nakikinig at tumatango lang kapag may tinatanong sila na sa totoo ay hindi ko naman maintindihan. Nang dumating si Stacy ay agad akong tumayo at sabik na niyakap sya. Ginantihan naman nya ang yakap ko at hinalikan pa ko sa pisngi. ''I really miss you too." malungkot nyang bulong ng maghiwalay kami. Nginitian ko naman sya ng pagkatamis tamis. Basa ko sa mukha nyang problemado sya at hindi ako papayag na maghiwalay kami na hindi ko sya nakakausap manlang. Pinakilala naman ni tito Max ang Bunso nya sa mga lalaki na si Grey. Kung ang dalwang nauna ay tinanguan ako, si Grey ay parang dinaanan lang ako ng tingin saka naglakad papasok. Nanghihinging pasensya ang tingin ni tito Max sakin ng mapatingin ako sa kanya, Si stacy naman ay agad na sumunod kay Grey at narinig kong sinita nya sa lengwahe nila. Nang mapalingon ako kay Marco ay nakita kong Madilim ang tingin nya kay Grey kaya agad ko syang hinawakan sa braso at inakay na papasok ng bahay. Pinulupot naman nya agad ang braso sa bewang ko saka ako hinalikan sa sentido. Sa hapag ay business pa din ang pinag uusapan nila pero sina tito at tita lang ang nagsasalita, ang tatlong pinsang lalaki ni Marco ay nasa harap namin pero pareparehong walang imik. Katabi ko si marco at sa kabilang gilid ko naman si Stacy na kapansin pansin din ang pagiging tahimik. Nagulat ako ng biglang sitahin ni tito Max si Grey dahil sa sunod sunod na inom nito ng Vodka. "Have some respect, you're not in a bar." matigas pero mahinang sabi ni tito. "Respect? I don't think it suits some people here." sagot nya saka ako tinignan bago binalingan si Marco. Napakapit naman ako agad sa Braso ni Marco dahil akma syang tatayo kaya bumagsak ang tingin ni Grey don. Sumagot si tito sa lengwahe nila na parang pinatitigil si Grey. Habang si Johann naman ay nakita kong tinapik si Grey at parang pinatitigil din. Ngumisi naman si Grey saka ako tinitigan "It is more disrespectful to speak in a language she cannot understand." Sasagot sana akong ayos lang ng biglang tumayo si Grey. "I'm Leaving." sabi nya "Stacy you should stay, you're the Legal Wife anyway." Napakunot noo ako. Ano daw? Legal wife si stacy? Napatingin ako kay stacy, masama ang tinging pinukol nya kay Grey. Agad namang tumayo si Stacy "Shut up.!" Sigaw nya. "What? You and her should know your respective -" Nagulat ako ng biglang tumayo si Marco "Enough!" putol nya sa sasabihin ni Grey. Agad naman akong tumayo at pinilit kalmahin si Marco. Nakangisi akong binalingan ni Grey kaya lalo akong kinilabutan. Maraming tanong na tumatakbo sa isip ko pero mas nangingibabaw sakin ang kaba. "So she doesn't know huh." natatawa pang dugtong ni grey na lalong nagpakaba sakin. Nagsalita si Tito max sa lengwahe nila na hindi ko maintindihan ang alam ko lang ay nakikiusap sya. maya maya pa ay Nagsagutan na si Marco at Si grey. Pati si tito ay nakisali na din. Hindi ko alam kung san lilingon, si stacy sa gilid ko ay umiiyak na pero panay pa din ang awat ko kay Marco dahil pakiramdam ko ay magsusuntukan na sila anumang oras. Si johann at Elliot ay panay na din ang awat at pinipilit ng ilabas si Grey pero hindi naman nagpatalo. Nagulat ako ng bigla nya kong Balingan ng nakangisi "Stacy and Marco are legally married so that makes you the mistress.! thank me Later!" Sabi nya na diniinan pa ang salita mistress. Napamaang ako. Mistress? Nkakamanhid pala ang Shock. Tama ba ang nadinig ko, I'm a mistress. Daw? Tuluyan akong Napaupo ng makita kong palabas na si Grey ng Dining room , natulala ako sa pagkaing halos hindi pa namin nagalaw. Parang biglang nag shut down ang utak ko na ni ang pag iyak ay hindi ko kayang gawin. Paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Grey. "Baby.." Yun ang sumunod kong narinig. At tila yon punyal na sumaksak sa puso ko. How could he? How dare him! Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagagawa ko pa ding maging kalmado o siguro hindi pa tuluyang nagpaprocess sa utak ko at puso kaya ganon. "He said I'm a mistress? Other Girl?" tanong ko kay Marco saka ako bumaling kay tita dahil narinig ko ang mahinang pag singhot nya. "Kabit?" Iyak lang ang isinagot sakin ni tita. Si stacy naman ay nakita kong nakatayo pa din sa gilid ni tita at umiiyak pa din. "Baby.." sagot ni Marco kaya muli akong napalingon sa kanya. Basang basa ko ang takot at pag aalinlangan sa mga mata nya. "I'm your mistress?" ulit kong tanong sa kanya. Kung sasabihin nyang hindi ay paniniwalaan ko sya. Gusto kong sabihing nyang hinde dahil hindi ko alam kung pano ko tatanggapin ang lahat. "It's not like that." nagsusumamo nyang sagot. Alam ko na. Alam ko na ang sagot. Masakit na masakit at parang gusto kong manakit din. Kinuyom ko ang palad ko at kahit anong pigil ko ay kusang tumulo ang mga luha ko. "Just anwer me with a yes or no!" Mahina kong sabi habang pinipigilan kong humikbi. Yumuko si Marco at alam kong umiiyak na din sya. "Hija.."Biglang sabi ni tita saka yumuko at pinaikot ang braso sakin. "Let him explain please." Explain? Gusto kong isigaw kay tita yon pero mas nanaig pa din ang respeto ko kahit na gusto kong magalit dahil sa pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako. Mabuti pa si Grey, sa mata nila mali si Grey pero para sakin gusto kong magpasalamat sa kanya dahil ganun dapat, kahit masakit basta totoo dapat talagang sinasabi. Tinapik ko ang Braso ni tita at agad naman nyang tinanggal yon. Tumayo ako kaya bigla ding nag angat ng tingin sakin si Marco. Walang bahid ng luha ang mukha nya pero namumula ang mga mata nya. Akma nya kong hahawakan ng Tabigin ko ang kamay nya. "Let's Go." Mahina pero matigas kong sabi habang pinapahid ang luha. Hindi na nila ko pwedeng lokohin. Naririnig ko pa din ang iyak ni Stacy sa gilid ko. Hindi ako sigurado kung ano bang dapat kong maramdaman. Gusto kong magalit pero.. kung ako ang kabit, anong karapatan ko? Agad namang tumayo si Marco. "Tita, Tito , Stacy we're leaving." Paalam ko na hindi sila tinitignan. Hinablot ni stacy ang braso ko saka ako niyakap. "Im Sorry..." Umiiyak pa ding sabi nya pero para akong bato. Ayokong sumagot dahil ayokong umiyak ng tondo sa harap nila. *** Sa sasakyan ay sinubukang hawakan ni Marco ang Kamay ko pero agad kong iniwas yon. Kating kati na kong komprontahin sya pero hindi naman safe kung awayin ko sya habang nag dadrive. "Drive." matigas kong sabi. "Let's talk later at home." dugtong ko pa. "Baby..." Bulong nya saka sinubukan akong hawakan. Agad kong tinabig ang kamay nya. Anong karapatan nyang hawakan ako gayong ginawa nya kong kabit ng walang kalaban laban. Habang daan ay plinano kong mag iimpake na ko at uuwe na agad agad. Kasya pa naman cguro ang pera ko pamasahe pauwe. Ang buong byahe ay binalot ng Katahimikan sa pagitan namin pero hindi sa puso ko. Paulit ulit kong naririnig ang boses ng pangungutya ni Grey. Ang pait at sakit sa puso ko ay tila hindi maghihilom basta basta. Ni sa hinagap ay hindi ko inakala na dadating ang araw na magiging kabit ako. Kabit ng taong pinakamamahal ko. Ang hindi ko maintindihan ay bakit paulit ulit nya kong inaaya ng kasal. Ang kapal! "f**k!" mahinang bulong ni Marco. Bahagya ko syang nalingon. Pinahid ko naman ang luha sa mga mata ko saka binaling pa ng mas maigi ang mukha ko para kahit sa peripheral vision ko ay hindi ko sya makita. Alam kong mas lumalakas ang iyak ko at tila ayaw tumigil ng mga luha ko kahit anong pigil ko. Narinig ko nanaman syang nagmura saka itinabi ang kotse sa daan. "Baby.." bulong nyang muli saka dumukwang sakin at akmang iyayakap sakin ang mga braso pero agad ko syang itinulak. "Just Drive! " sigaw ko. "Please baby stop crying." nagsusumamo nyang sabi saka inakmang hahawakan ang mukha ko pero tinabig kong muli ang kamay nya. "I want to go home!" sigaw kong muli. Home. Marahas syang bumuntong hininga saka umayos ng upo at nag drive. Pagkapark nya ng sasakyan ay agad akong bumaba at derederechong naglakad papasok ng bahay. Mabilis akong umakyat sa hagdan habang sya ay walang imik na sumunod sakin. Pagpasok ko ng Kwarto ay agad kong kinuha ang maleta para mag impake, agad naman nyang inagaw ang Maleta. "Baby Where are you going.." mahina nyang sabi habang pilit na kinuha sa kamay ko ang maleta. "Bitaw! im going home." kalmado ko pa ding sagot na hindi sya tinitignan habang hawak pa din ang maleta. "No! You still have a week here baby." malambing nyang sagot saka pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ko sa maleta. "A week? You think ill stay here for another week?" Patuyang sagot ko. Saka tinitigan sya ng masama. "Let's talk first." Pagsusumamo nya. Binitawan ko ang maleta. "Talk." Matigas kong sagot saka humalukipkip. "I- i dont know where to start..." Nahihirapan nyang panimula habang nagsusumamo pa din ang tingin. "Is it true?"tanong ko. Hindi sya sumagot sa halip ay pumikit saglit. Nanghihina akong naupo sa kama sa ka isinubsob ang mukha sa mga palad. "Tell me it's not true..." Sabi ko sabay sa hikbi. "Tell me its not true i will believe you..." Naramdaman ko syang umupo sa tabi ko at niyakap ako. "shhh.. please baby please...Im fixing it. It was just a mistake..." Pang aalo nya sakin. Pumiksi ako para kumawala sa yapos nya saka tumayo. "Fixing? Mistake? How could you do this to me Marco?!" Sumisigaw kong sagot sa kanya habang dinuduro sya. "B-believe me it was just a mistake baby. We never get married...why would i marry my cousin?" Sagot nyang nagmamakaawang paniwalaan ko sya. "Our lawyers are working on it... I swear.." Matagal ko syang tinitigan saka muling dinampot ang maleta ko. "Fix it. Im leaving." Akma nyang aagawin ang maleta kaya tinulak ko sya. "Dont!" Sigaw ko. How can they be married kung walang kasal na naganap.? Lumapit sya ulit at inagaw na muli ang maleta sa kamay ko. Mas malakas sya, isama pang nanghihina na ko sa pag iyak at sa sakit ng puso. "Please Precious.. baby please believe me, i didnt mean to lie to you...im working on it..please calm down.." nagsusumamo nya pa din sabi. "Calm down?" Parang nang uuyam na balik tanong ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa maleta ng hindi sya sumagot. Hindi nya bibitawan ang maleta at mahihirapan ako kung mag eempake pa ko dahil pipigilan nya lang ako kaya agad kong dinampot ang shoulder bag ko, nandon naman ang passport ko, pera at ang mga importanteng dokumento na kailangan ko para makauwe. Tinalikuran ko sya ska tinungo ang pinto ng kwarto para makalabas. Agad naman nyang hinagip ang Braso ko at pinigilan ako kaya pag harap ko ay sumabog na ko at sinampal sya saka pinag hahampas ang bag ko sa kanya. Hindi naman sya umilag at tinanggap lang ang lahat ng hampas ko. "Ang kapal kapal ng mukha mo! I Hate you! Tigilan mo na ko.!" Gigil na gigil kong sigaw habang walang patid na pinag hahampas sya. Ni salag ay hindi nya ginawa kaya lalo akong naiyak. Ang lahat ng galit at sakit ay gusto kong ilabas. "I love you with all my heart Marco! I gave you everything.. everything marco tapos ito lang ha! Sinabi ko sayo ayokong maging kabit. But you made me one without a choice! I hate you! I loathe you. Hinding hindi kita mapapatawad. I hate you.!" Isang huling malakas na hampas pa bago ako tumalikod at inabot ang handle ng pinto. Mas mabilis pa din sya sakin dahil nagawa nyang iharang ang katawan nya sa pinto para hindi ko mabuksan. "Alis." Sabi ko habang patuloy pa din s pag iyak. Nagulat ako ng Bigla syang lumuhod at niyakap ako saka isinubsob ang mukha sa tyan ko. "Baby please...." Sumamo nya habang yumuyogyog ang balikat. "I love you. I love you. Im sorry. i love you. Forgive me please. I promise ill fix everything. " Nakatulala ako sa kanya. Walang salitang makakapag pakalma sa puso ko. Tiningala nya ko saka inalis ang pagkakayap sakin at pinagsalikop ang mga palad na parang nagmamakaawa sakin. Napansin ko ang pamumula ng mukha nya siguro ay sa hampas at sampal ko kanina. Basang basa ang mukha nya ng luha. "Please precious forgive me...baby... I promise you i will fix everything... Let's get married. I will marry you...please." Gusto kong matawa sa sinabi nya. "Marry me? You are f*****g married how can you marry me?!" Galit na galit kong sabi sa kanya. "Never. I will never marry you.!" Sigaw ko Natulala sya saka umiling iling . "No.. No dont say that. We will get married after this.. please..." Sagot nya habang tumatayo. Akmang hahawakan nya ko pero pumiksi ako. "I don't know marco. I don't know. I don't think I can trust you anymore." Sagot ko saka tinungo ang kama at naupo don. Nakakapagod. Gusto ko ng tumigil sa pag iyak pero walang ampat ang luha ko. Sumunod naman sya agad at lumuhod sa harap ko. "Baby.. please.. I am working on it.. It will be finalized this week,. Its impossible that im married. It was Stacy and alex who got married in las Vegas 7yrs ago and i was with them, we were so drunk and young. It was them who got married, i dont know how the f**k it happen that we were married. I swear, i dont know, we don't know. We just found out now because stacy and alex are getting married now...." nalilito nyang litanya Nakatulala lang ako sa kanya. "We already took legal action. I promise you its going to be fixed this week. Let's get married after and... And ill make it up to you till i die... I will do whatever you want just please..please forgive me. Please. I love u soo much precious.. baby-" "Im still leaving." Putol ko sa sasabihin nya. ''Let me go while you fix everything here." Walang buhay kong sagot. kung isip ang gagamitin hindi na ko maniniwala pero dahil puso ang gumagana, Asang asa ako na totoo lahat ng sinasabi nya pero ayokong ipakuta yon sa kanya. Galit pa din ako pero mahal ko sya. "but.. but you still have a week .." sagot nya.. "I need to rest. I can't if im here." Malamig pa ding sagot ko na nakatulala. Iniiwasan kong tignan sya. "but you forgive me right? You believe me right?" Nagsusumamo pa din nyang tanong Tinitigan ko sya. "No. I dont." Sagot ko. "I will go, you will not come after me not until you show me a f*****g paper stating you are not married. Until you give me proof that I am not you're f*****g mistress don't show me your face. I don't want to see you nor hear your voice." May diin ang bawat salitang sinasabi ko sa kanya. Napalunok sya. '' You need a week? I will give u a month." Pagpapatuloy ko. " Prove it.. Or else its over marco. Its over." Mahina pero matigas kong dugtong habang hindi tinatanggal ang tingin sa kanya. Napapikit sya at napamura Saka yumuko. "Okay." Sumusuko nyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD