“The measure of love is to love without measure”a very inspiring quote from the book of famous inspirational speaker Mr. Bo Sanchez. Kasalukuyang nagkakape si Janna sa backyard garden. Habang binabasa ang book na pinamagatang “Don’t Worry Be Happy”. Napangiti ang mabait na misis ng mabasa ang line quote na ito. “The measure of love is to love without measure” “The measure of love is to love without measure” “The measure of love is to love without measure” Paulit-ulit na binibigkas. Gusto niya ito magmarka sa kanyang isip at puso. Ang simple pero ang lalim ng kahulugan. Nagmamarka at tumatagos sa kaibuturan ng puso. Paano ba niya ito isasalin sa tagalog na mas mabibigyang buhay ang tunay na kahulugan ng baawat salita. “Ang sukatan ng pag-big ay ang magmahal ng walan

