“Na-miss ko ito mga friendship. Ang sarap ng hangin talaga dito sa probinsya. Malayong-malayo sa syudad.” Sabi ni Janna habang nakataas pa ang dalawang kamay. Nakipagkita siya sa mga malalapit na kaibigan niya noong high school. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nasa Sabang Beach. Tamang unwind at kwentuhan lang sila. Kasama ang presensya ng mga ihaw-ihaw sa gilid ng dalampasigan. Sari-saring ihaw-ihaw goodies ang kanilang nilantakan. Kanya-kanya silang spicy sawsawan ng barbecue at isaw. “Kumusta naman kayo? Mabuti naman at nagkita-kita tayo.” Sabi ng isa niyang kaibigan na si Ana. “Kaya nga! Kapag ganito kasi na magkakalayo. Minsan ang hirap na talaga mag-catch up.” Komento naman ni Marie. “Yes! True! Pero nasa tao lang din talaga. Sabi nga kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dah

