Tila roller coaster sa bilis na lumipas ang panahon. Anim na taon na ang matuling lumipas. Janna was graduated as Magna Cumlaude. Minsan pa niya napatunayan. Kapag nagsanib ang talino at sipag. Siguradong tagumpay ang kapalit. Pagkatapos maka-graduate ng Bachelor of Science in Architecture. Nag-review siya para sa board exam sa Baguio city. Another milestone achievement as she became topnotcher in Architecture Licensure Examination. Hindi niya inakala na masusungkit niya ang top one. “Anak ko…we’re so proud of you. Hindi mo alam kung gaano kami ka-proud sayo. Napakalaking karangalan ang ibinigay mo sa amin bilang mga magulang mo.” Maluha-luha siyang niyakap ng kanyang Papa. Tapos na ang graduation ceremony. Maingay na Ang paligid. Dahil kanya-kanya ng picture taking ang nagaganap. Mababa

