“Hayyy…sa wakas matutupad na rin ang long table natin mga kakosa.”papasok pa lang sa may pinto ang kanilang sir chief. Nakatuon na ang tingin nito kay Engr. Migs at Architect Janna. Nagkatinginan lamang silang dalawa sa sinabi ng sir chief nila. Sila na yata ang ikakasal na hindi malaman kung malungkot ba o masaya. Pero ang nakapagtataka ng pumunta sila ng munisipyo. Para asikasuhin ang kanilang nalalapit na kasal. Himala na maayos naman nila iyon naitawid. Naalala pa nga niya ang isang eksena sa munisipyo. Nang pababa na siya sa van na kanilang service. Nauna pa si Migs na bumaba. Akala niya ay didiretso iyon sa loob na papasok. Ngunit nagulat siya sa ginawa nito. Inabot nito ang kanyang kamay at inalalayan siya ni Migs na makababa. Tatanggi pa nga sana siya. Pero mabilis na kumilos ang

