DESPERADO na talaga ang pinuno na sa muli niyang pagbabalik sa bayan ng Sorsogon ay mapapasakaniya iyon upang doon maghari at ipalaganap ang tradisyon na sa tingin niya ay tama. At dahil sa kagustuhan ng pinuno na may i-alay muli sa kaniya ng gabi ay walang alinlangang ipinagkaloob iyon ng kaniyang isang bagong alagad na si Akim. Iyon ay isang estudyante na naman mula sa College of Engineering na na-tsempuhang naiwang mag-isa sa classroom. Walang kaduda-duda kung gaano kabilis naisagawa ng mga Obalagi ang kanilang misyon ng gabing iyon. Kinabukasan ay panibagong araw at masamang balita agad ang bumungad sa kanila mula sa bulletin board pagkapasok pa lamang sa Ademian. "Isang engineering student ang nawawala," pagbasa niyon ni Devee. Napakunot na naman ang kanilang mga noo at walang ini

