"Hindi ako makapapayag na magtagumpay ang mga Obalagi sa pinaplano nila, malinaw ang usapan sa kaharian ng Mumayta, 'di ba? Paano na lang ang katarungan sa pagkamatay ni Loise at ng ilang buhay na nadamay? Mababalewala na lang lahat ng 'yon?" inis na usal ni Kitch. Magkakasama muli silang lima ng hapong iyon kaya labis ang pagkabigla nina Devee, Siobe at Daizy sa nabalitaan. "Kapag nangyari rin 'yon ay parang balewala lang ang lahat ng sakripisyo natin para sa bayan," dagdag pa ni Daizy. "Pero kita n'yo namang wala ng pag-asang magbago ang mga halimaw na 'yon, e. Edi dapat noong una pa lang ay tumupad na sila sa usapan," ang sabi ni Devee. "Ang mabuti pa'y kumilos na tayo," wika ni Fudge. "Sandali," pagpigil ni Kitch. "Hindi tayo p'wedeng basta-basta na lang sumugod, delikado, ayon di
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


